^

PSN Showbiz

Pacman nakuha ng lucky charm, panalo gusto pang haluan ng mga nega

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pacman nakuha ng lucky charm,  panalo gusto pang haluan  ng mga nega

Now alam mo na Salve, kung ano ang feeling ni Mama Jinkee at Mommy Dionisia pag may laban si Papa Manny Pacquiao.

Imagine halos umiyak sila Salve (Asis) at Lynette (Baldivino) sa kakatili at talagang bawat suntok halos takpan nila ang kanilang mga mata , hah hah.

Pero buong ningning kong sasabihin na isa sa lucky charm ni Champ Manny si Cong. Toby Tiangco na kasama niya sa pre fight tune up, the night before the fight, at katabi niya ng papunta siya sa ring. Kitang-kita mo ang concern ni Cong. Toby kay Champ Manny ha. Salamat din sa pag-aalaga ni Jun Pasia from team Pacquiao sa amin nila Salve at Lynette. Nakita niya na parang desperate ako sa paghahanap ng t-shirt na souvenir ng fight. Hinanap niya talaga kung saan bibili. Sobra-sobra talaga ang alaga sa amin ng Team Pacquiao. Kaya talagang gusto kong umiyak nang manalo ang Icon at Pambansang Pride ng Pilipinas, Champ Manny Pacquiao.

Pacman hindi na dapat ninenega

At bakit ba sa mga ganitong okasyon na dapat masaya ang buong bayan natin sa panalo ni Champ Manny Pacquiao, may mga tao pa rin na nagbibigay ng negative comment? Bakit meron pa rin gustong i-down ang malaking karangalang ibinigay ni Sen Manny Pacquiao sa bayan? Alam n’yo ba na nakakaiyak ‘yung suporta na ipinakita ng mga kababayan natin sa Malaysia? Alam n’yo rin bang taas-noo talaga ang mga Pinoy dito habang pinupuri ng lahat ang ating champion? Pati mga foreigner ay sumisigaw ng suporta, tapos tayong kababayan niya nagne-nega? Bakit ganun? Alam n’yo ba iyong energy sa stadium, feel na feel mo at talagang gusto mong umiyak. Please congratulate na lang natin si Manny Pacquiao, ipagmalaki na lang natin, ipagdasal na sana lagi siyang magtagumpay sa pagbibigay ng karangalan sa bayan natin.

Talagang feel mo ang pride na nandun at nagbigay suporta si Papa Digong, habang sinisigaw ang pangalan niya ng tao na Duterte, Duterte. Gusto mo ipakita sa lahat na Pilipino ka, iisa tayo, at kapit kamay. Salute Champ Manny, thank you for the pride, salamat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with