^

PSN Showbiz

Anniversary ng distrito ni Alfred suportado ng mga taga-KK

PIKPAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anniversary ng distrito ni Alfred suportado ng mga taga-KK
Alfred

PIK: Successful ang ginanap ni 6th Founding Anniversary ng District 5 ng Quezon City na ginanap sa SM Novaliches nung kamakalawa ng hapon, July 14.

Pinamunuan ang naturang event ni Cong. Alfred Vargas na proud sa kanyang pahayag na nakisabay din siya sa pag-celebrate dahil siya nga ang 1st Congressman ng naturang distrito.

“Nakakatuwa dahil nakasabay ko rin ang pag-celebrate ng founding anniversary ng District 5, because I am the first Congressman of the 5th District of Quezon City.

“So, it’s an honor na naging tradisyon na namin to na every year meron kaming big celebration tulad nito,”masayang pahayag ni Alfred.

Suportado siya sa selebrasyon ng mga kasamahan niya sa Kambal Karibal, dahil dumating sina Bianca Umali, Kyline Alcantara, Jeric Gonzales, Cheska Salcedo at Pauline Mendoza.

Kaya naman tuwang-tuwa ang Congressman ng District 5 ng QC dahil hindi siya pinabayaan ng mga kasamahan niya sa Kambal Karibal. Pero suportado rin siya ng mga close friends niyang sina Diana ZubiriBea Binene at pati si Pekto na nag-host ng naturang event.

PAK: Doon pa rin sa event ng 6th Founding Anniversary ng District 5 ng Quezon City, napapag-usapan na doon ang nalalapit na pagtatapos ng Kambal Karibal.

Sabi ni Bianca, maraming twists ang kuwento na ikabibigla ng mga sumusubaybay nito.

Ang latest na narinig namin, pagkatapos nitong Kambal ay bibigyan daw si Kyline ng isang seryeng pagbibidahan niya. Siya naman kasi ang bonggang produkto ng Kambal Karibal.

Nasaksihan namin doon sa event ni Alfed kung gaano kainit siyang tanggapin ng mga tao.

Sabi ni Kyline, nakahanda naman daw siya kung sakaling bibigyan na siya ng sarili niyang programa .

BOOM: Ang pelikulang Signal Rock pala ni direk Chito Roño ang napiling opening film ng Cine­malaya 2018.

Pero napili naman kasi itong Signal Rock sa walong pelikulang ipalalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP kaya nagkaroon ngayon ng conflict.

Hindi pinayagan si direk Chito na ipalabas ito sa Cinemalaya dahil bahagi na nga ito sa PPP.

Kaya may ilang nagkukomentong sana tulungan na lang dahil sa opening ng Cinemalaya lang naman ito mapapanood. Pero kailangan daw sundin ang rules ng PPP, kaya hindi ito pinayagan.

Nilinaw naman ni FDCP Chairman Liza Diño na suportado rin niya ang CInemalaya pero may rules na dapat sundin para hindi ito maging precedent sa mga susunod na PPP.

As of presstime, wala pang napiling pelikulang ipapalit para sa opening ng Cinemalaya na magsisimula na sa August 3.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with