^

PSN Showbiz

Pacquiao fever nabuhay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao fever nabuhay!
Toby at Manny

Naku parang nasa Manila lang kami tuwing nasa lobby ng Le Meridien Kuala Lumpur. Daming kababayan natin ang sumusuporta kay Champ Manny Pacquiao na ngayong araw na ang laban kay Lucas Matthysse ng Argentina. Mga kapwa niya pulitiko, mga kababayan sa GenSan, mga tulad natin na nagmamahal at umaasa sa kanyang panalo ang naririto sa KL.

Iba talaga ang Pacquiao fever dahil magmamalaki ka talaga na meron kang isang icon tulad niya. Hay balitang apat na head of states ang darating, pero mas excited ako sa pano­nood daw ni Papa Digong para bigyan moral support si Champ Manny.

Bongga, nandito na rin si Gen. Bato ha na cute pala talaga pag kausap mo.

Buti na lang alagang-alaga tayo Mama Salve ni Papa Toby Tiangco kong mahal kaya feeling family din tayo habang nasa Malaysia.

At naku talaga palang bff sina Papa Manny at Congressman Toby. Imagine nang walang makasama sa last minute training niya ng pagtakbo around the park nung isang araw sinamahan siya ni Cong. Toby ha. Pagod na pagod tuloy siya nang makita namin. Imagine nga naman ang physical strain nang makisabay sa ensayo sa isang boxing champ. At para patunayan ang closeness nila, halos two rooms away lang sila Champ Manny at Cong. Toby ha.

At grabe umiral na naman ang pagi­ging very generous ni Papa Toby, lagi niya kaming check kung kumain na, kung anong gagawin, kung saan pupunta. Talagang lipat na ako Navotas, promise.

Richard at Dingdong ngayon lang magkakasubukan

Sure na magiging maingay ang Metro Manila Film Festival sa December dahil kung hindi ako nagkakamali, first time na magkakasama sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes sa pelikula.

Former GMA 7 contract star si Richard pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho sa isang movie project si Dingdong.

I’m sure, si Vice Ganda ang may brilliant idea na pagsamahin sa isang pelikula bilang leading men niya sina Dingdong at Richard.

May pulso talaga si Vice para mapaingay at maintriga ang mga tao sa mga pelikula na isinasali niya sa Metro Manila Film Festival.

Once a year lang ang paggawa ni Vice ng pelikula kaya tinitiyak niya na talagang mapag-uusapan at aabangan ng moviegoers.

Coco gagawing panabong si Maine kina Richard at Dingdong!

Nauna si Coco Martin sa announcement na sila ni Vic Sotto ang partners sa filmfest entry niya sa Metro Manila Film Festival 2018, ang Popoy En Jack: The Puliscredibles.

Kung maingay ang announcement ni Vice na sina Richard at Dingdong ang co-stars niya sa Fantastica, may isang alas pa si Coco na hinihintay ng lahat, ang official announcement na si Maine Mendoza ang leading lady niya sa MMFF entry nila ni Bossing.

Puro tsismis pa lang na magtatambal sina Coco at Maine sa Popoy En Jack pero walang confirmation at ito ang hinihintay na pasabog mula sa kampo niya.

Hindi pa rin sinasabi ang identity ng aktres na makakapareha ni Bossing sa Popoy En Jack kaya inaabangan din ang announcement. Tsismis lang ang kumakalat na si Maricel Soriano ang leading lady ni Bossing sa unang movie team up nila ni Coco.

May mga suggestion na kung hindi available si Maricel Soriano bilang leading lady ni Bossing sa Popoy En Jack, perfect si Marian Rivera na mahusay rin sa comedy.

Ang tanong, papayag ba sina Dingdong at Marian na magtapat sa box office ang kanilang mga pelikula? I don’t think so.

Hindi ang mga tipo nila ang papayag na magsagupaan sa box office ang kanilang mga pelikula dahil sa sobrang pagmamahal at mataas na respeto sa isa’t isa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with