^

PSN Showbiz

Anne inalala ang dugo’t pawis para sa BuyBust

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anne inalala ang dugo�t pawis para sa BuyBust
Anne

Nabasa namin sa Instagram (IG) ni Anne Curtis na nasa New York siya bukas, Saturday, July 14, para duma­lo sa New York Asian Film Festival kung saan, clo­sing movie ang BuyBust at world premiere rin ng pelikula ni direk Erik Matti. Sa IG ni Anne, nakalagay na nasa Vienna, Austria siya.

“So excited to be heading to New York on Saturday! Then Seoul next week for @bifanofficial!!! See you Madlang NYC for the screenings of Sid & Aya and BUYBUST on July 15, Sunday. I’ll be at BOTH screenings 3:30pm for Sid & Aya and 8:30pm to close the @newyorkasianfilmfestival with BUYBUST.”

Sa August 1, ang showing ng Buy Bust dito at marami na ang excited na mapanood ang sinasabing pelikulang magpapabalik sa action film sa local movie at si Anne at si direk Erik ang magpapabalik sa interes ng tao sa action.

Sa presscon ng Buy Bust, nabanggit ni Anne na six months siyang naghanda at nag-training ng martial arts at nag-training kasama ang Scout Rangers.

“I DID MY TIME. And now, the time has come to start promoting Buy Bust. I can’t help but reminisce on all the training I did for BUY BUST. From spending a day training and shooting with the Scout Rangers and the Special Forces of the Philippines. And of course my heavy training for Pekiti-Tirsia Kali with my Tuhons. Grabe. 2 years in the making. Literal, blood, sweat and bruises,” post ni Anne sa IG.

Jasmine binigyan ng perfect project, hindi isinama kay Alden

Matitigil na ang pagtatanong ng Kapuso viewers kung kasama si Jasmine Curtis-Smith sa Victor Magtanggol dahil sa bagong primetime series ng GMA 7 na Pamilya Roces. Ang nagbabalik sa Kapuso Network na si Joel Lamangan ang director ng teleserye na ang pangalan ng mga babaeng karakter ay pangalan ng bulaklak.

Nabanggit ni Jasmine overwhelmed siya sa project at trato sa kanya ng network. Nagustuhan nito na pagkatapos niyang pumirma ng kontrata, hinintay na magkaroon ng right project at right role sa kanya.

Hindi raw siya basta ipinasok sa mga umeereng tele­serye kahit puwede naman at kahit available siya. Naghintay daw ang network na may magandang project for her. Ikinatuwa ni Jasmine ang ginawang ‘yun ng network, kaya masaya siya.

Kristoffer napikon sa mga beki!

In-announce na ng production na kasama sa cast ng Victor Magtanggol si Kristoffer Martin at first time, gaganap na kontrabida si Kristoffer at makakalaban ang best friend niyang si Alden Richards. Si Kristoffer ay si Lance, stepbrother ni Janine Gutierrez na gaganap naman sa role ni Gwen Regalado, isang field reporter.

First time na magkakasama sa teleserye sina Alden at Kristoffer at hindi pwedeng sabihing kaya siya nasama sa cast dahil best friend siya ni Alden. Hindi naman si Alden ang nagka-casting, ang production at aprubado ng GMA-7.

Samantala, sana hindi ma-bash si Kristoffer na nagpahayag ng saloobin sa ilang mga beki. “Sila yung pinaka-sensitive pero ang dadami ring ang babastos. Ano nakukuha natin sa mga tanong na ‘malaki ba?’ ‘Magkano ka sa isang gabi?’ ‘Top or bottom?’ ‘Daks ka ba?’ Yayaman po ba Pilipinas dito mga ser?”

Nakakatuwa lang dahil may nag-sorry kay Kristoffer at sabi, “on behalf of LGBTQ+ Sorry po.” Nagkaroon kasi ng Q&A si Kristoffer sa Twitter kahapon at doon pumasok ang mga tanong na hindi naman dapat.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with