Kristine lumabas na ang tunay na kulay
Kristine
Kristine lumabas na ang tunay na kulay
(Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas kaabang-abang ang mga pangyayari sa Bagani ngayong ilalabas na ni Malaya (Kristine Hermosa) ang kanyang kapangyarihan para sa kasamaan at lalabanan ang mga magi­giting na tagapagtanggol ng Sansinukob.

Tuluyan na ngang luma­bas ang tunay na kulay ni Malaya matapos niyang malaman ang sinapit ng anak na si Sarimaw (Ryan Eigenmann) at sinumpang ipaghihiganti ang pagkatalo nito sa kamay ng mga Bagani.

Sa kabila nito, unti-unti na ring nadidiskubre ng mga taga-Sansinukob ang iniiwang bakas ng karahasan nina Malaya at Gaki (Justin Cuyugan). 

Ang unang kontrabidang karakter ni Kristine, nakilala si Malaya bilang isang kaalyado nina Lakas (Enrique Gil) at Ganda (Liza Soberano) habang sila ay nakakulong sa Dako Pa Roon. Ngunit doon pa lamang ay may mga nagpapahiwatig nang hindi dapat pagkatiwalaan ang diyosa.

Si Malaya na kaya ang tinutukoy na nagbabalik na nilalang na sisira sa buong Sansinukob? Kaya bang labanan nina Lakas, Ganda, Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales), at Liksi (Zaijian Jaranilla) ang pinakamakapangyarihang diyosa?

Huwag palalampasin ang Bagani, gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN.

KRISTINE HERMOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with