^

PSN Showbiz

Boyet hindi nakilala bilang Colonel

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Boyet hindi nakilala bilang Colonel
Boyet

Napapanood na sa TV ang bagong commercial ni Christopher de Leon para sa KFC.

Hindi agad nakilala si Boyet ng tele­viewers dahil kahawig na kahawig niya sa commercial si Colonel Harland David Sanders, ang founder at nakaimbento ng masarap na lasa ng KFC.

Pinaputi ang buhok ni Boyet sa television commercial para maging kamukha siya ni Sanders. Nasanay rin ang televiewers na sina Ronaldo Valdez, Pen Medina, Leo Martinez at Albert Martinez ang mukha ng KFC kaya nanibago sila nang makita nila ang television ad ni Boyet.

KK tuloy na ang pagbabu!

Confirmed na confirmed na hanggang sa August 3 na lang ang telecast ng Kambal Karibal, ang primetime teleserye ng GMA 7 na maraming beses nang nabigyan ng extension dahil sa mataas na rating.

Naging four times a week ang dating three times a week na taping ng cast ng Kambal Karibal dahil malalaki ang mga eksena na kinukunan pero not complaining ang cast na ngayon pa lang, nakakaram­dam na ng lungkot sa nalalapit na pagwawakas ng kanilang programa.

Parang tunay na pamilya na ang trato ng cast sa isa’t isa kaya hindi maiiwasan na magkaroon sila ng separation anxiety kapag nagbabu na sa telebisyon ang Kambal Karibal.

Kim tagos sa kilig ang pagbati kay Xian

Kahapon ang 29th birthday ni Xian Lim kaya nakatanggap siya ng sweet birthday greeting mula sa kanyang rumored girlfriend na si Kim Chiu.

Kinilig ang fans sa birthday message ni Kim para kay Xian dahil parang best of friends din sila, hindi lang lovers at tila lalong lumalim ang friendship nila, kahit nag-ober da bakod si Xian sa Viva Artists Agency.

“Happy birthday to the person who always brings out the best in me, always makes me believe that I can do things that im afraid of doing, always makes me laugh so hard, for riding with all my craziness (esp. riding rollercoasters that you dont really like) my official travel photographer, my sponge when I’m feeling down.

“ Thank you for being you! Wishing you nothing but the best in everything you do! Know that I’m always always here for you,” ang lo­ving message ni Kim na hindi nagsabi ng “I love you“ pero feel na feel ang sobrang pagpapahalaga kay Xian.

Jasmine bibida sa Pamilya Roces

Ang direktor na si Joel Lamangan at ang aktres na si Jasmine Curtis Smith ang mga former TV5 talent na kasali sa Pamilya Roces, ang coming soon tele­vision drama series ng GMA 7.

Dati nang Kapuso si Joel bago ito lumipat sa TV5 at contract star si Jasmine ng Kapatid Network pero exclusive talent na ngayon ng GMA Artist Center.

Sure ako na maganda ang Pamilya Roces dahil mahusay na direktor si Joel na happy sa pagbabalik niya sa GMA 7. Anim na taon din na nawala sa Kapuso Network si Joel dahil nag-concentrate siya sa paggawa ng mga pelikula nang matapos ang mga television project niya sa TV5.

Ang Pamilya Roces naman ang ­unang television assignment sa GMA 7 ni Jasmine na unang natsismis na kasali sa cast ng Victor Magtanggol.

Bagay na bagay si Jasmine sa Pamilya Roces dahil magaling siya na dramatic actress.

Makakatrabaho ni Jasmine sa Pamilya Roces sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Snooky Serna, Gloria Diaz, Rocco Nacino at Elizabeth Oropesa.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with