^

PSN Showbiz

Glaiza nag-emote sa kaltas sa TF pag nali-late

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Glaiza nag-emote sa kaltas sa TF pag nali-late
Glaiza

Luis na-bronchitis; Winwyn binabatikos sa pag-ayaw sa transgender sa Miss U

SEEN: Ang story conference kahapon ng Spellbound, ang bagong pelikula ni Cristine Reyes sa Viva Films. Leading men ni Cristine sa Spellbound sina Ivan Padilla, KC Montero at Guji Lorenzana. Maria ang former title ng Spellbound.

SCENE: Not guilty ang PBA player na si Terrence Romeo sa bintang na nakipagsuntukan siya kahapon sa isang bar sa Quezon City. Ang CCTV ang ebidensya na biktima lamang si Romeo ng mga paninira.

SEEN: Bumalik sa Cebu ang production staff ng Inday Will Always Love You dahil nag-taping sila ng mga additional scene para sa primetime teleserye ng GMA 7.

SCENE: Dapat humi­ngi si ­Kier Legaspi ng beauty tips sa kanyang mga kapatid na sina Brandon at Zoren na mas bata ang itsura kesa sa kanya. Si Kier ang pinakabata sa Legaspi brothers.

SEEN: Binabatikos si Winwyn Marquez dahil sa kanyang paniniwala na natural born women ang dapat na sumali sa Miss Universe. Tama ang opinyon ni Winwyn dahil may mga beauty pageant para sa transgender women.

SCENE: Ang tanong at litanya ni Glaiza de Castro tungkol sa pagbabawas ng bayad sa mga latecomer: Fair ba na kaltasan ka ng sweldo pag na-late ka pero sa mahigit 24 oras na pagtatrabaho, wala man lang overtime pay?

SEEN: Kung para sa mga artista na late sa taping ang isyu na tinutukoy ni Glaiza de Castro, dapat ipaintindi sa kanya na di-hamak na mas malaki ang suweldo ng mga artista kung ikukumpara sa mga maliliit na manggagawa. Bayad ang oras ng paghihintay ng mga artista sa set ng mga pelikula at teleserye.

SCENE: Bed rest si Luis Manzano dahil tinamaan siya ng bronchitis. Uso ngayon ang sakit dahil sa pabago-bago na kalagayan ng panahon.

SEEN: Ang final presscon kahapon sa Hilton hotel ng Fight of Champions, ang boxing fight nina Senator Manny Pacquiao at Lucas Matthysse na magaganap sa Linggo, July 15, sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with