BuyBust nakuha ng distributor ng train to busan!, Anne hindi pa nakakatikim ng honeymoon!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

Wala pa palang formal honeymoon ang mag-asawang Erwan Heussaff and Anne Curtis.

Kaya naman malamang na itataon na nila ito sa first wedding anniversary sa November.

After their wedding ay agad na bumalik ng bansa ang bagong kasal at sumabak agad sa trabaho ang actress/host.

Naka-three movies siya – ang box office hit na Sid and Aya at ito ngang ipapalabas na BuyBust at ang Aurora na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Tungkol naman sa baby, naniniwala siyang na kailangan muna nilang i-enjoy ang kanilang marriage bago magkaanak. “Ganu’n kami, lalo na we still wanna travel together. Magha-honeymoon pa kami, so hindi pa,” ayon sa actress sa presscon ng BuyBust the other night.

Speaking of BuyBust, sa kauna-unahang pagkakataon, iiwan ng Princess of All Media at Showbiz Glam Girl ang pagiging Diyosa sa super action and  suspense movie sa pinakabagong offering ng Viva Films at Reality Entertainment.

Kasama ni Anne sa movie na idinirehe ng batikang si Erik Matti ang Fil-Am at MMA One Championship heavyweight champion Brandon Vera.

At ito, dalawang international companies ang nagsanib pwersa para si­guraduhin ang international success nito : ang XYZ Films na siyang tumatayong sales agent ng pelikula at ang Well Go USA, ang opisyal na distributor ng movie para maipalabas ito sa North America kaya mapapanood na ito sa US cinemas starting August 10.

Ang Well Go USA rin ang nag-distribute ng international hit na Train to Busan na pinagbidahan ng Korean Superstar na si Gong Yoon na super favorite ni Anne.

Pormal nilang ilo-launch BuyBust sa July 19 sa 21st Annual Superhero Kung Fu Extravaganza San Diego Comic Con.

Magkakaroon din ito ng World Premiere sa July 15 dahil napili itong ma­ging closing film sa New York Asian Film Festival, kung saan dadalo sina Anne, Brandon, Direk Erik at Dondon Monteverde ng Reality Films.

Sa July 18 naman, magkakaroon ito ng Canadian Premiere sa Fantasia Festival at Asian Premiere sa Buncheon International Fantastic Film Festival sa South Korea.

Maliban sa US at Korean screening ng movie, mapapanood din ito sa Middle East, Hong Kong, at Singapore.

Sa isang interview, sinabi ni Dylan Marchetti, Well Go USA Senior Vice President for acquisitions and theatrical distribution, na,”If you lose your mind for an amazing action film, the last hour of  BuyBust is going to blow your head clean off.”

Ayon kay Anne dalawang taon niyang binuno ang BuyBust. “I’ve been working on this for two years already and alam kong ang dami nang naghihintay na mapanood siya dito. Ang galing din kasi, at least, masho-showcase ang quality ng Filipino film sa ibang bansa.”

Matindi naman ang suportang ibinigay ni Brandon sa co-star sa pelikula bilang expertise nga nito ang pakikipagbuno sa larangan ng mixed martial arts. Big screen debut ni Brandon it pero aakalain mong pro sa pag-arte base sa ilang clips mula sa trailer ng movie.

Siyempre hindi matatawaran si Direk Erik kung husay at galing ang pag-uusapan. Siya ang nasa likod ng cutting-edge movies na tumatak sa kamalayan ng mga manonood, gaya ng OTJ  at ang multi-awarded Metro Manila Filmfest entries na Honor Thy Father at Seklusyon.

Mapapanood sa local cinemas simula August 1, ang BuyBust.

Charo  nagpasalamat sa pagmamahal

Kinilala ang galing at kontribusyon ni Charo Santos sa sining ng pelikula matapos siyang gawaran ng Icon Award sa katatapos lang na The Eddys 2018 o Entertainment Editors’ Choice Awards noong Lunes (Hulyo 9).

Napakarami pong biyaya at pagkakataong (ibinigay sa akin) makapagdala ng magagandang kwento na nagpasaya, nagpaluha, at nagbigay ng aral at inspirasyon para sa inyong lahat. Maraming-maraming salamat po sa inyong pagmamahal at suporta,” sabi ni Ms. Charo sa kanyang acceptance speech.

Nag-umpisa bilang aktres si Charo sa mga pelikula at nanalong Best Actress sa 1977 Asian Film Festival para sa pelikulang Itim. Una siyang pumasok sa ABS-CBN bilang Television Production Consultant noong 1987 matapos niyang maging line producer para sa iba’t ibang prestihiyosong film production companies. Naging Film Production Manager din siya para sa Experimental Cinema of the Philippines. Kasalukuyan siyang napapanood bilang host ng longest-running drama anthology sa Asya na Maalaala Mo Kaya.

Iniluklok naman si Charo bilang president and chief operating officer ng ABS-CBN noong 2008 at kalaunan ay naging chief executive officer noong 2013.

Maliban naman sa ABS-CBN executive, ginawaran din ng Eddys Icon Award ang mga respetadong mga bituin na sina Susan Roces, Eddie Garcia, Maricel Soriano, Nora Aunor at Gloria Romero.

Ang Eddys o Entertainment Editors’ Choice Awards ay binubuo ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors na naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga likha ng local filmmakers at mga aktor.

Kapuso stars wagi sa EDDYS Awards!

Speaking of Eddys, humakot din ng parangal ang ilang Kapuso stars. Pina­ngunahan ito ng Onanay star na si Nora at Daig Kayo Ng Lola Ko star Gloria na parehong nakatanggap ng Film Icon Tribute Award. Muli namang kinilala ang husay ni Therese Malvar matapos niyang masungkit ang Best Supporting Actress award para sa pelikulang Ilawod.

Tinanghal naman na isa sa Best Dressed Celebrities si  Sanya Lopez at Stars of the Night naman sina David Licauco at Andrea Torres

ANNE CURTIS ERWAN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with