Joshua
Joshua hirap mag-ingles!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

 Pumatok sa takilya ang mga pelikulang pinagtambalan nina Julia Barretto at Joshua Garcia katulad ng Vince & Kath & James, Love You to the Stars and Back, Unexpectedly Yours at ang patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ngayon na I Love You Hater.

Matatandaang nagkatrabaho na minsan sina Julia at Joshua sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ilang buwan na ang nakalilipas. Ngayon ay magbibida na ang dalawa sa teleseryeng Ngayon at Kailanman. Ito ang kauna-unahang pagtatambal ng JoshLia sa isang soap opera. “I think it’s been my dream for Joshua and I to do soap opera. I’m so happy na ang gagawin namin is a classic love story. Langit-lupa, forbidden love, parang Romeo and Juliet. I’m excited, sobrang ibang-iba ang character ko. This one is talagang complete 360, ibang-iba po talaga siya and same with Joshua. We are so excited na to do television,” nakangiting pahayag ni Julia.

Sa bagong serye ay si Joshua ang gaganap bilang mayaman at mahirap naman ang karakter ni Julia ngayon. “So nagkapalit talaga kami. Kinakabahan ako kasi siyempre hindi mo pa alam ang reaksyon ng tao sa bago naming characters. Pero malaki ang tiwala ko sa Star Creatives na gumawa ng istorya. Especially sa writers, napapansin ko na inaalagaan kami. The way naming inaarte mabusisi, kasi mahirap talaga. Especially sa akin, hindi ako inglisero, napapa-English ako,” pagbabahagi naman ni Joshua.

Zeus hindi nagpasilaw sa indecent proposals

Maraming indecent proposals umano ang natatanggap ni Zeus Collins mula pa noong magsimula siyang magsayaw. Ayon sa binata ay kabi-kabila ang alok sa kanya ng mga bading at matrona hanggang ngayon.

“Oo, noon madami talaga. Kahit naman ngayon, meron pa rin, pero hindi eh. May kotse, P20K, P10K, mga gano’n. Kung iisipin mo, wala akong pera tapos kikitain ko sa isang araw ‘yung gano’n, maiisip mo rin ‘yon di ba, sayang pero hindi talaga eh. Ang iniisip ko kasi kaya ko pa. Kumbaga, may talent naman ako. Marunong akong sumayaw, tapos no’ng mga panahong ‘yon, marami rin akong grupong napasukan. Sila mismo ang kumukuha sa akin na rumaket ako sa kanila,” kwento ni Zeus.

May ilang mga gay bar din daw ang nag-alok sa Hashtags member na maging macho dancer noon.

Ang dami ngang offer sa akin noon na mag-macho dancer. Hindi ko sinubukan, kasi alam ko sa sarili ko na iba talaga ‘yung passion ko sa pagsasayaw. So ba’t ako magma-macho dancer? Hindi talaga sumagi sa isip ko ‘yon kahit walang-wala na ako. Hangga’t kaya ko pwede akong mangutang, babayaran ko na lang, gano’n na lang,” pagtatapos ng aktor.

JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with