Atty. Gideon at Kris
Kris pinangalandakang hindi dyowa ang abogado
(Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

SEEN: “Use me in a sentence” ang mga komento ng mga tao sa magkasama at matching outfits na pagdalo ni Kris Aquino at ng kanyang lawyer-friend Atty. Gideon Peña sa red carpet premiere ng I Love You Hater noong Martes. Sinabi ni Kris na legal adviser na niya ang nasabing abogado na libreng-libre at walang karelasyon.

SEEN: May mga pasa sa katawan si Anne Curtis na nakuha niya sa shooting ng BuyBust nang ikasal sila ni Erwan Heussaff sa New Zealand noong November 2017. Hindi nahalata ang mga pasa sa binti ni Anne dahil natakpan ito ng wedding gown niya.

SCENE: Hindi kasali sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ang Kusina Kings ng Star Cinema dahil sa July 25 na ang playdate ng comedy movie nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez.

SEEN: Nagsimula noong July 3 ang ticket selling para sa Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim, ang show ng GMA Pinoy TV sa October 7 sa City National Grove of Anaheim, Anaheim, California. Featured performers sa Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim sina AiAi delas Alas, Marian Rivera, Julie Anne San Jose at Christian Bautista

SCENE: Ang anak ni Melanie Marquez na si Michelle Dee ang gaganap na anak ni John Estrada sa Victor Magtanggol ng GMA 7.

SEEN: Ang bonding moments nina Aiko Melendez at Rina Navarro na  “common denominator” si Ara Mina. Nakarelasyon ni Ara sina Jomari Yllana at Mayor Patrick Meneses, ang ex-husband at ex-boyfriend, respectively, ni Aiko at inaakusahan siya ni Rina ng pang-aagaw sa fiancé nito na si Dave Almarinez.

SCENE: Ang sagot ni Coco Martin na nanggaling naman siya sa GMA 7 ang hint na hindi imposible na mag-guest ang aktor sa Eat Bulaga kapag nagsimula na ang promo ng Popoy En Jack: The Puliscredibles, ang official entry nila ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival 2018.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with