Anne at Brandon
Anne muntik malagasan ng ngipin sa shooting
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

May malaking dahilan para hindi pa magbuntis ni Anne Curtis. Sa malamang o sa hindi baka makuha pa niya ang titulong Reyna ng Aksyon sa Pelikula na matagal nang walang babaeng humahawak. Ito ang patutunayan niya sa pelikulang BuyBust ni Erik Matti at ba­gaman at nagtatampok din sa Fil-Am MMA champion na si Brandon Vera ay sinusuportahan din ng mara­ming kasama man sa movie o hindi. Unang pagbibida ito ng It’s Showtime host sa isang napakamaaksyong pelikula na nakatakda ring magkaroon ng release sa maraming bansa. Dalawang international na kumpanya ang nagtutulong para ang BuyBust sa abroad, ang XYZ Films at Well Go USA na magsisimulang mamahagi ng pelikula sa North America sa August 10.

Mauuna nang mapanood ang movie ni Anne sa July 19 sa 21st Annual Superhero Kung Fu Extravaganza sa San Diego, Comic Con. Magsisilbi rin itong closing film ng New York Asian Film Festival na dadaluhan nina Anne, Brandon at ni direk Erik. Kasali rin ang BuyBust sa Fantasia Festival ng Canada at Buncheon International Fantastic Film Festival. Mapapanood din ito sa Middle East, Hong Kong at Singapore.

Nagbunga rin ng maganda ang Buy Bust na inabot ng mga taon para matapos at itinuturing na pinakamahirap na role na ginawa niya. Magsisilbi itong selebrasyon ng kanyang ika-21 taon niya bilang artista at unang pelikula na tinanggap niya mula sa Viva sa loob ng dalawang taon.

May eksena siya sa movie na tatlong araw bago niya nakumpleto. Nagkapasa-pasa siya at nagbuwis-buhay sa paggawa ng pelikula. Pumapasok siya sa It’s Showtime nang nananakit at nangingitim ang maraming bahagi ng kanyang katawan. Maski nung kasal niya ay ganito rin ang sitwasyon niya. Minsan din ay nasuntok siya sa mukha na akala niya ay natanggal ang mga ngipin niya pero nagawa lamang niyang umiyak nang tapos na ang eksena at wala nang taong nakakakita. Lahat nang ito ay naranasan niya at magsisilbing patunay na kaya niya at ng kahit sinong artistang babae na magbida sa isang action film. Anim na buwan siyang sumabak sa training na ang naging resulta ay sinasabing magandang pamalit sa mga nagkakaedad nang babaeng artista na gumagawa ng aksyon, local man o foreign.

Ang BuyBust ay tungkol sa isang special forces team na may misyon na mag-raid ng isang drug den pero, natraydor sila, na-set up at na-trap. Kasama nina Anne at Brandon, na first time lumabas sa pelikula, sina Victor Neri, Arjo Atayde, AJ Muhlach, Joross Gamboa, Noni Buencamino, Mara Lopez, Alex Calleja at marami pang iba.

Kakaiba ang naging launching ng BuyBust dahil duma­ting ang buong cast sa lugar ng mediacon na sakay ng isang dambuhalang army truck.

Aga tagumpay sa pagbalik

Hindi man naging Best Actor si Aga Muhlach para sa pelikulang Seven Sundays sa napakara­ming nauna nang nagbigay ng awards, hindi naman siya pinagkaitan ng parangal ng mga entertainment editor na bumubuo ng grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) sa ika­lawang pagkilala nila sa industriya ng pelikula, mga artista at manggagawang bumubuo nito sa 2nd Eddys Entertainment Choice Awards. Mukhang wagi ang guwapong aktor sa kanyang pagbabalik sa showbiz dahil nagagawa niyang balikan ang mga role na kinagiliwan sa kanya at pakikitambal kina Alice Dixson at Bea Alonzo na kinunan pa sa Greenland at Canada.

Ang mga iba pang nakasamang nanalo ni Aga ng major awards sina Mary Joy Apostol (Best Actress), Dido dela Paz (Best Supporting Actor) at ang nag-triple tie para sa Best Supporting Actress na sina Therese Malvar, Chai Fonacier at Angeli Bayani.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with