Sikat na aktor nangongolekta rin ng property sa iba’t ibang sulok ng bansa
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

Sa halip na kainggitan ay dapat maging inspirasyon ng mga kapwa niya artista ang isang sikat at magaling na aktor na marunong humawak ng kanyang kinikita. Pinagpapaguran niya nang maghapon at magdamag halos ang kayamanang hawak niya ngayon.

Nakakatuwang malaman na bukod sa mansiyon na naipatayo na ng sikat na male personality ay napakarami pa niyang binibiling mga ari-arian ngayon sa iba-ibang probinsiya.

Tapos na siya sa pagbili ng mga propyedad sa Manila, kaya ang pinupuntirya niya naman ngayon ay ang malalayong lugar, ang dami-daming nagbebenta ng mga lupain sa sikat at magaling na aktor.

Kuwento ng aming source, “Totoong-totoo na isang floor ng isang ginagawang condominium ang kabibili lang niya. Maagap siya sa pre-selling ng mga condo. Mahusay ang utak niya sa negosyo.

“One day nga naman, kapag tapos na tapos na ang mga units na nakuha niya, e, mapapaupahan na niya ‘yun, may monthly income na siya bukod sa napakalaki niyang kinikita bilang artista.

“May binibili siyang five hectares ngayon sa isang lugar sa Palawan, malapit na malapit ‘yun sa mga beaches na dinadayo ng mga turista. Nagkausap na sila ng owner at siguradong magkakabentahan na sila!

“E, ayaw lang niyang ipagmayabang, pero malaki rin ang loteng nabili niya sa isang island na pinipiling venue ng kasalan ng mga artista. Hindi siya puwedeng magdenay.

“Alam ng mga tagaroon na nakabili siya ng property sa place na ‘yun. May mga kuwento pa nga na baka du’n niya pakasalan ang young female personality na matagal na niyang karelasyon pero ayaw lang nilang napag-uuaspan ‘yun in public.

“Ibang klase ang male personality na ‘yun! Napakarunong niyang humawak ng pera, hindi siya ang klase ng taong ipanggagranatsa lang ang pinaghihirapan niya.

“Huminto man siya sa pag-aartista na malayo pa namang mangyari, e, sigurado nang magiging maganda ang future niya at ng magiging pamilya niya. Very secure na ang kinabukasan ng male personality.

“Galing kasi siya sa hirap, napakarami niyang pinagdaanan, kaya ganyan siya kahusay humawak ng kinikita niya. Ayaw na siyempre niyang bumalik sa pinanggalingan niyang kahirapan. Pero nag-uulam pa rin naman siya ng coco jam!” nagbibiro pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ellen at JLC malabong magka-privacy

Kundi pa nagsalita ang abogado ni Ellen Adarna sa kasong hinaharap niya ngayon na hindi niya napupuntahan dahil sa kanyang sitwasyon ay hindi pa malalantad na nakapanganak na pala siya nu’ng June 27 pa.

Dalawang linggo na palang nakapanganganak ang sexy actress, pero idinedenay pa rin nila ‘yun ni John Lloyd Cruz, sinisita pa nga ng aktor ang mga naglalabas ng balita dahil wala raw katotohanan ‘yun.

Ginagawa nilang pahulaan ang paglabas ng kanilang munting anghel, parang blind item na pinahuhulaan nila sa publiko ang panganganak ni Ellen, dahil gusto nga raw nilang maging pribado ang kanilang relasyon.

Dapat malaman ni John Lloyd na pampublikong pigura sila ni Ellen Adarna. Sa ayaw at sa gusto nila ay kakambal ng kanilang hanapbuhay ang pang-uusisa ng publiko tungkol sa mga nagaganap sa kanilang personal na buhay.

Kahit balikan natin ang dating buhay ni JLC ay nagsasalita ang katotohanan na napakalaki ng utang na loob na dapat nitong ipagpasalamat sa publikong sumuporta at nagmahal sa kanya. Sa pag-aartista ni Lloydie nag-ugat ang lahat ng karangyaan sa buhay na tinatamasa nito ngayon.

Bilang pasasalamat, dapat ay handa ang kalooban ng magaling na aktor na kahati ng kanyang kasikatan ang pagtutok ng publiko sa lahat ng mga nangyayari sa kanya kasama na ang kanyang lovelife, na gusto nitong maging pribado.

Gaano man nila gustuhin ni Ellen na maging pribado ang kanilang sitwasyon ay hindi nila makukuha nang isandaang porsiyento ang kanilang hiling.

Sikat na personalidad si John Lloyd Cruz, sabit na rin sa kanyang popularity ang kanyang karelasyong si Ellen, kaya hindi maganda sa panlasa ang pag-init ng ulo ng aktor kapag napag-uusapan ang kanilang relasyon.

Kung mga pribadong tao sila ay may espasyo ang pagrereklamo, pero dahil mga artista sila, kasama sa teritoryo nila ang pagtutok ng publiko maging sa pribado nilang relasyon.

ELLEN ADARNA JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with