Christian
Christian naiyak nang mag-sorry sa dating manager!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2018 - 12:00am

Fresh na fresh si Chito Roño nang magkita kami sa announcement noong Lunes ng eight official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 ng Film Deve­lopment Council of the Philippines.

  Present si Chito sa event dahil official entry sa 2nd PPP ang kanyang pelikula, ang Signal Rock na pinagbibidahan ni Christian Bables na biglang nawala sa sirkulasyon nang umalis sa poder nina Jun Lana at Perci Intalan, ang mga big boss ng The IdeaFirst Company.

Si Chito ang direktor ng Signal Rock at siya rin ang produ ng pelikula. Cape Signal Rock ang pangalan ng production company ni Chito at sa pagkakaalam ko, ang Regal Entertainment Inc. ang magre-release sa mga sinehan ng Signal Rock.

Pet project ni Chito ang Signal Rock. Siya ang may idea na gumawa ng pelikula tungkol sa mga kababayan niya sa Samar na inaasahan ng kanilang mga kamag-anak na naninirahan sa ibang bansa.

Intoy ang name ng karakter ni Christian sa pelikula at siya ang tumutulong sa kanyang kapatid na babae na Finland-based at sangkot sa child custody battle.

Payat pa si Christian nang gawin niya ang Signal Rock dahil nadagdagan na ang kanyang timbang nang  ma-sight ko siya sa grand launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Blessing in disguise ang pagdalo ni Christian sa PPP dahil nagkita at nagkausap sila ng mag-dyowang sina Jun Lana at Perci Intalan na malaki ang tampo sa kanya.

All’s well that ends well dahil nag-sorry si Christin kina Jun at Perci. Tinanggap naman ng dalawa ang apology niya.

At dahil sa kaba na nararamdaman, hindi napigilan ni Christian ang umiyak habang kausap sina Jun at Perci.

Relieved na relieved ang pakiramdam ni Christian dahil nagkausap na sila ng mga dating manager. Super nega ang image ni Christian nang tumanggi siya na gawin ang television project na Born Beautiful kaya nagtampo sa kanya sina Jun at Perci.

Si Martin del Rosario ang ipinalit kay Christian na inakusahan na walang utang na loob. Hurt na hurt si Christian dahil hindi raw totoo na hindi siya marunong tumanaw ng utang na loob, lalo na sa mga tao na nagtiwala sa talent niya gaya ng mag-asawang Jun at Perci.

Anne nagsisipag para sa Buybust

Kagabi ang grand presscon ng BuyBust, ang much anticipated drama action movie ni Anne Curtis.

Maaga ang presscon ng BuyBust dahil aalis sina Anne, Brandon Vera, ang direktor na si Erik Matti at ang producer na si Dondon Monteverde. Dadalo ang apat sa New York Asian Film Festival dahil ang BuyBust ang closing film sa July 15.

Sina Anne at Brandon ang lead stars ng pelikula pero maraming artista ang sumuporta sa kanila, sina AJ Muhlach, Arjo Atayde, Victor Neri, Nonie Buencamino, Mara Lopez na binigyan ng importansya dahil inimbitahan sila sa presscon na ginanap kagabi sa isang events place sa Quezon City.

 Habang nasa New York sina Anne at Brandon, ang mga co-star nila ang magpo-promote ng kanilang pelikula na mapapanood sa mga sinehan sa buong Pilipinas simula sa August 1.

Bago lumipad papunta sa New York, pinuntahan ni Anne ang lahat ng mga mall show ng BuyBust na araw-araw niya na ipino-promote sa It’s Showtime dahil super proud siya sa drama action movie na kanyang ginawa.

CHRISTIAN BABLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with