Julia at Dennis
Si Joshua ang rason, Dennis at Julia magkasira na naman
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2018 - 12:00am

PIK: Malaki ang suportang ibinigay ng GMA 7 sa katatapos lang na 2nd Eddy’s Awards ng grupong SPEEd o The Society of Philippine Entertainment Editors ang ginanap sa The Theatre ng Solaire kamakalawa ng gabi.

Sa tulong ng GMA 7 Corp. Comm. at GMA Artists Center, pinapunta nila ang iba nilang stars para dumalo at maging presenters sa awarding.

Napili pa ngang Stars of the Night sina David Licauco at Andrea Torres na naging presenters.

Ang pelikulang Respeto ang big winner nung gabing iyun dahil ito ang napi­ling Best Picture, pero ang Best Director naman ay napunta kay Mikhail Red ng pelikulang Birdshot. Dito rin sa pelikulang ito nakuha ng bidang aktres na si Mary Joy Apostol ang kanyang best actress award. Si Aga Muhlach ang hinirang na Best Actor, pero matunog nung gabing iyun na makukuha ni Edgar Allan Guzman ang naturang award.

Pero ang highlight sa Eddys Awards ay ang paggawad ng Film Icon Tribute Awards kina Eddie Garcia, Charo Santos-Concio, Maricel Soriano at Nora Aunor.

Awardees din sina Gloria Romero at Susan Roces, pero hindi sila nakadalo.

Kuwela ang acceptance speech ni Manoy Eddie na sinabi niyang mabuhay tayong mga Eddy o Eddie.

Special mention naman ni Maricel si Mang Dolphy na sinabi niyang kung hindi dahil sa Comedy King, walang Maricel Soriano.

Hindi naman kinalimutang i-promote ni Ate Guy ang nalalapit niyang drama series sa GMA 7 na Unanay.

PAK: Dalawa ang pelikula ng American actor na si Lee O’Brian na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang Ang Babaeng Allergic sa Wifi ni direk Jun Lana at Signal Rock ni direk Chito Roño.

Dumalo siya sa launching nito kamakalawa ng tanghali pero hindi man lang siya nakaakyat ng stage nang ipakilala ang mga stars na bahagi ng mga pelikulang kalahok.

Hindi kasi namalayan ni Lee na tinatawag na sila dahil nasa labas ito at ini-entertain ang mga reporter na nag-interview sa kanya. Hindi na tuloy siya napansin na nandun pala siya.

Sinagot ni Lee O’Brian ang tanong kung may balak na ba silang pakasal ni Pokwang. Wala pa raw sa plano nila ang magpakasal. Naka-focus daw muna sila sa kanilang anak na si Malia.

Hindi pa naman daw siya nag-propose. Pero nai-enjoy daw niya ito, at gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang acting career dito sa Pilipinas.

Saad ng American actor; “I like it here. I want to develop my career here and obviously I have a child here now, and I have a girlfriend that I love. I’m gonna stay. I love here in the Philippines.”

BOOM: Nahalata namin ang lungkot sa boses ni Dennis Padilla nang sinabi niyang hindi nakadalaw ang mga anak niya kay Marjorie Barretto, specifically si Julia, sa burol ng pamangkin niyang si Gene Justine Padilla na pumanaw dahil sa dengue.

Nakausap namin ang aktor sa programa na­ming Showbiz Talk Ganern kamakalawa ng gabi, at pinasagot namin sa kanya ang tanong ng ilang liste­ners kung nakadalaw ba sa burol ang anak na si Julia.

“Let’s all over the news naman. I think alam naman nila. Saka yung mga common friends naman namin from showbiz, alam naman nila dahil marami naman sa mga kaibigan natin sa entertainment industry from TV and movies, marami namang dumalaw. Including sina Vice Mayor Joy Belmonte, at nagbigay ng suporta,” saad ni Dennis.

Sinundan namin ng tanong kung may tampo ba siya kina Julia na hindi man lang nakadalaw sa burol ng pinsan nila.

“Ang binibilang ko na lang kasi yung mga dumating. Hindi ko na lang binibilang yung mga hindi dumating kasi…kumbaga sa akin hindi naman nila obligation ang pumunta pero mas maganda sana kasi pag pamilya kayo, sa mga oras ng pagluluksa dapat kayo magkita-kita kasi dito mo kakailanganin ang moral support ng bawat isa eh di ba?” sagot ni Dennis.

Dagdag niyang pahayag; “Actually, pag masaya naman ang tao okay lang tawagan lang ayos na eh. Pero pagka ganitong may tra­gedy sa pamilya, kailangan talaga nandun ka. Kailangan yun eh. Ako, ganun ang kinalakhan ko eh.”

Inamin na rin ni Dennis na meron daw kasi silang konting tampuhan ni Julia, kaya matagal na raw silang hindi nag-uusap.

“Si Julia, medyo matagal na kaming hindi nag-uusap nun mga April yata. Busy lang, saka nagkaroon din kami ng kon­ting tampuhan din nyan lately,” pakli niya.

Tinanong namin uli kung tungkol ba kay Joshua Garcia ang pinagtampuhan nilang mag-ama?

“Medyo…konti,” parang naalangan niyang sagot sa amin.

“Nakalimutan din ako batiin ni Julia nung Father’s Day..nakalimutan.

“Saka baka wala lang siyang load that time kaya hindi niya ako na-text,” pabirong pahayag pa ng aktor.

Dahil sa nangyari sa kanyang pamangkin, may bubuuing campaign ngayon si Dennis laban sa Dengue. Tinawag niyang Tok Lamok na sisimulan pa lang daw niya para mabalik daw sa mga tao ang awareness sa Dengue Virus.

“Bale dalawa ang magiging meaning niyan, di ba ang Tok na parang tokhang..ito Tok Lamok, let’s eradicate o patayin natin ang mga lamok. And then Tok, which means, ‘let’s talk about it,’ pag-usapan natin,” saad ni Dennis.

DENNIS PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with