^

PSN Showbiz

Kris pinanindigan ng abogado!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris pinanindigan ng abogado!
Gideon Peña

Mali ang akala na para kay Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Instagram post ni Kris Aquino na “Thank you for wanting to stay, come what may” dahil ibang mhin ang tinutukoy niya, ang lawyer na si Gideon Peña.

In fairness kay Tetay, naka-tag si Peña sa kanyang Instagram emote pero hindi yata ito napansin ng ibang followers niya kaya nag-assume sila na para’yon kay Herbert.

Nilinaw naman ni Tetay na para kay Gideon na kanyang good friend for now ang post na ikinakilig ng followers niya na hoping na magkakaroon ang dalawa ng romantic relationship, bukod sa pagiging good friends.

At dahil may promise ako kay Tetay na magpapakabait ako sa kanya hanggang July, kasama ako sa mga umaasa na matatagpuan na niya ang mhin na makakasama, forever and ever. Marami nang isinakripisyo si Kris para sa happiness ng ibang tao kaya it’s about time na siya naman ang maging maligaya.

Clashers parang teleserye ang mga buhay

Positive ang mga feedback sa pilot episode ng The Clash, ang singing competition ng GMA 7 na nagsimula noong July 7 at napapanood tuwing Sabado at Linggo.

Inabangan ang The Clash ng televiewers na nagsabi na nag-enjoy sila sa maiden telecast ng show ni Regine Velasquez, kasama sina AiAi delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista.

Parang teleserye raw ang kanilang pinanood dahil sa mga kuwento ng mga contestant ng The Clash.

Very transparent ang judges ng The Clash kaya affected din sila sa mga kuwento na narinig nila at sa performances ng aspiring singers.

Alfred doble ang happiness sa mental health law

Nagkaroon ng get-together si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas at ang kanyang loyal fans na walang sawa na sinusuportahan siya mula nang pumasok siya sa mundo ng showbiz at pulitika.

Marunong si Alfred na lumingon sa pinanggalingan at mahalaga sa kanya ang pagtanaw ng utang na loob kaya hindi siya nakakalimot sa mga tao na kasama sa journey niya sa entertainment industry at politics.

Ang pagsasabatas sa Republic Act 11037 o National Feeding Program Act (Masus­tan­syang Pagkain para sa Batang Pilipino Act) ang isa sa mga good news na ipinarating ni Alfred sa lahat ng mga Pilipino, hindi lamang sa supporters niya.

Tuwang-tuwa si Alfred dahil co-author siya ng batas na pakikinabangan ng mga bata, ng kanilang mga magulang at mga kamag-anak.

Doble ang happiness na nararamdaman ni Alfred dahil co-author din siya ng Republic Act 11036 na mas kilala bilang Mental Health Act na pangunahin na layunin na bigyan ng tulong ang mga tao na nanga­ngailangan ng mental health services.

Sa totoo lang, hindi ko nilalahat pero may mga showbiz personality ang may problema sa kanilang mental health kaya kasama sila sa mga makikinabang sa isinabatas na Philippine Mental Health Act.

Siyempre, hindi aamin ang mga showbiz personality na may tama pero hindi na kailangan na umamin sila dahil pansin na pansin naman sa kanilang mga kilos at salita ang pagkakaroon ng problema sa pag-iisip.

Hindi mahahalata na may tama ang ibang mga aktor at aktres dahil nagagamit nila sa pag-arte ang kanilang mga problema sa pag-iisip.

Nabibigyan nila ng justice ang mga role nila sa pelikula at television shows, nananalo pa ng mga acting award dahil sa kanilang mahusay na pagganap pero ang hindi alam ng fans, hindi na sila umaarte as in tunay na ugali at pagkatao  nila ang napapanood sa screen.

vuukle comment

GIDEON PEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with