Vina nagpapasalamat na walang katrabahong diva
Aminado si Vina Morales na isa na marahil sa pinakamahirap niyang ginampanan ang kanyang karakter ngayon bilang si Celestina sa teleseryeng Araw Gabi. “Nakakapagod si Celestina. Ang daming emosyon, parang sumi-seesaw ‘yung kanyang emotions. I’m very happy that I get to work with really professional people on the set. Siyempre nag-umpisa ‘yan sa aming mga directors na talagang inalagaan ‘yung acting namin. Nakatutok sila sa amin eh on each character. Pangalawa is ‘yung mga nakakatrabaho ko naman talagang professional din,” pagbabahagi ni Vina.
Para sa aktres ay magaang katrabaho ang mga kasamahan sa serye katulad ng mga bidang sina JM de Guzman at Barbie Imperial. “Wala kaming nagiging problema sa set. Wala namang pa-diva sa amin, thank God. Kasi mahirap naman magtrabaho nang merong pa-diva eh, delay ‘yon on the set. So wala pa naman and I hope walang mangyayaring gano’n. They’re very professional, JM, Barbie and the whole cast,” paliwanag ni Vina.
Samantala, malapit nang ilabas ang pangalawang single ng singer-actress na kasama sa kanyang album na Vina: 30. “Malapit nang ilabas ang aking second single under Star Music of course. Last year ‘yung first single ko pa lang ang nari-release. So this year, we want a different concept. So abangan n’yo ‘yung aking second single, medyo may pasayaw-sayaw siya,” pagtatapos ni Vina.
Will nakapag-action na rin
Masayang-masaya si Will Devaughn dahil natupad na ang pangarap nitong makagawa ng isang proyektong aksyon ang tema. Kabilang ang model-actor sa pelikulang Kontradiksyon ng Bell Films. “I’m a PDEA agent here. Pangarap ko talaga na role na ganito, na martial arts and action film. Sana the Philippines is ready for an evolution of action films and the next level of action films I think the people are ready for. Usually ‘yung mga roles ko sa movies boy-next-door or puro mga rom-com (romantic-comedy). No one has really seen me in an action film where I play a different character. I think it’s going to open a lot of new doors. Nakaka-excite ang panahon ngayon honestly,” nakangiting pahayag ni Will.
Kasama rin sa nasabing pelikula si Jake Cuenca na minsan na ring nakasama noon ni Will sa grupong Cover Boys. “We worked together naman before in Cover Boys. Sobrang tagal na ‘yon pero it’s going to be amazing because he’s a really good friend of mine. Nakaka-excite to be able to work with Jake and the entire cast of this film. It’s something different, it’s something refreshing that’s never been seen before. It’s going to be able to shed a lot of light in a lot of dark places where we are right now sa Pilipinas,” makahulugang pahayag ng binata.
- Latest