Herbert sasagutin na si Kris!
Herbert sasagutin na si Kris!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2018 - 12:00am

Tatlo ang imbitasyon ko ngayon pero isa lang ang mapupuntahan ko dahil hindi ko pinangarap na maglagare.

May invite si Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa mga entertainment writer na nagdiwang ng birthday noong January hanggang July.

Naging tradisyon na ni Herbert na i-treat ang mga reporter na nagdiwang ng kaarawan at bahagi ng kanyang showbiz career, kahit maraming taon nang naka-focus ang atensyon niya sa public service.

Bihirang-bihira na makahalubilo ni Herbert ang showbiz press pero sinusulit niya ang oras. Kapag hindi naman siya available, ang kanyang mga kapatid na sina Harlene at Hero ang nag-aasikaso sa mga reporter.

Excited at looking forward ang entertainment writers na makausap si Herbert dahil sa isyu na kinasasangkutan niya, courtesy of Kris Aquino.

Gustong malaman ng mga reporter ang katotohanan tungkol sa balita na nag-propose siya ng kasal kay Kris noong nagkita sila sa Rome, Italy.

Type din ng mga reporter na marinig ang sagot ni Herbert sa dialogue ni Kris na “Mayor, this is what you’re missing” sabay hubad ng blazer na suot.

Wish ko lang, hindi magkaroon ngayon ng emergency o very important appointment si Herbert para makatsikahan portion na siya ng showbiz press at magkaroon na ng closure ang isyu tungkol sa napapabalitang  relasyon nila ni Kris.

Bea maglalantad na

Ngayon ang grand presscon ng Kapag Nahati ang Puso, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na malapit nang mapanood sa TV.

Sina Zoren Legaspi, Bea Binene, David Licauco, Sunshine Cruz at Benjamin Alves ang stars ng Kapag Nahati ang Puso na may working title noon na Karibal Ko ang Aking Ina.

Hindi na puwedeng i-postpone ang presscon ng Kapag Nahati ang Puso dahil sa July 16 na ang playdate nito.

I’m sure, ang relasyon nila ni Julie Anne San Jose ang itatanong kay Benjamin ng mga reporter, kahit hindi kasama sa cast ng teleserye ang girlfriend niya.

Maraming intriga ang puwedeng ipasagot kay Sunshine, ang sitwasyon ngayon ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano, ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay at ang demanda ng businesswoman na former BFF niya.

For the first time, isang daring character ang ipinagkatiwala ng GMA 7 kay Bea na nag-umpisa ang showbiz career bilang child star.

Nasubaybayan ko ang acting career ni Bea na contestant noon ng Starstruck Kids kaya parang ang hirap isipin na ready na siyang sumabak sa mature roles.

It’s a must na i-reinvent ni Bea ang sarili dahil hindi na siya bumabata at patindi nang patindi ang kumpetisyon sa showbiz.

Hindi ko pa masyadong kilala si David Licauco pero may nagsabi sa akin na mayaman ang pamilya niya kaya curious ako na malaman kung gaano sila kayaman.

Contract star na si Zoren ng GMA Artist Center, pati ang kanyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy.

May topless scene si Zoren sa Kapag Nahati ang Puso at in fairness sa kanya, kayang-kaya pa niya na makipagsabayan sa mga young hunk actor.

Marunong mag-alaga sa sarili si Zoren kaya walang mag-aakala na 46-years old na siya. Parang kailan lang nang ipakilala siya noon ng Regal Films bilang Regal baby at loveteam ni Ruffa Gutierrez noong mga teenager pa sila.

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with