^

PSN Showbiz

Anne at Karylle nagsosyo sa karaoke

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anne at Karylle nagsosyo sa karaoke
Anne at Karylle

Hindi na lang magkasama sa It’s Showtime  sina Anne Curtis at Karylle dahil business partners na rin sila. Noong isang araw, binuksan ang Rockstar KTV sa SM Aura, BGC at kasosyo rin nila si Ria Malig.

Hindi ito ang first time na pumasok sa KTV business si Karylle dahil naging magkasosyo sila ni Dingdong Dantes sa isang KTV sa may Timog at Tomas Morato at area. Ang naalala namin, pinull out ni Karylle ang shares niya doon pero ngayon, balik na naman siya sa una niyang business venture.

Business minded si Karylle dahil may itinayo rin itong film outfit, ang Sanggre Productions kasama sina Iza Calzado, Diana Zubiri at Sunshine Dizon. Inihahanda na ang first movie nila sa pakikipagtulungan sa Unitel at iflix.

Successful ang opening ng Rockstar KTV at dahil maraming showbiz friends nina Anne at Karylle na magpa-patronize rito, mag-i-enjoy ang mga pupunta rito para kumanta dahil makakakita rin sila ng celebrities.

Julie Anne nadadalas ang bonding sa pamilya ni Benjamin

Nadadalas ang pa-meet the parents ni Julie Anne San Jose sa parents ng boyfriend niyang si Benjamin Alves. Sa muling pagbisita rito ng mga magulang ni Benjamin, nakasama nila si Julie na part na ng pamilya ni Benjamin kung ituring. Pati siblings and nephews at ibang relatives ng aktor, nakilala na ni Julie.

Two years na ang relasyon nina Benjamin at Julie, pero hindi pa nila officially inaamin. Nakikita na lang sa socmed na nag-celebrate sila ng kanilang anniversary. Ang drama ng dalawa, “what you see is what you get.|

Samantala, magtatapos sa July 13 ang My Guitar Princess  nina Julie, Gil Cuerva at Kiko Estrada at ang papalit sa time slot ay ang Kapag Nahati Ang Puso  na tampok sina Benjamin, Bea Binene at Sunshine Cruz.

Atom kay Joyce mina-match

Kinakiligan ng mga nakabasa ang short convo nina Atom Araullo at Joyce Pring and considering na indirectly convo ‘yun dahil tinag lang si Atom ng ka-tweet ni Joyce, marami pa rin ang kinilig.

  Nag-tweet kasi si Joyce na wala pa rin siyang alam sa basketball, at least daw, ang love life niya ay parang Lakers. May nag-comment ng “i-date mo na kasi si @atomaraullo.”

 Sumagot si Joyce ng “Di pa ako nirereplayan” at sa simpleng sagot ni Atom na “Kung sinu-sino pa ka­sing tinetext eh,” marami na ang kinilig at may nag-ship na agad sa dalawa. 

  May mga humirit na bagay na bagay ang dalawa and if ever, magkaligawan, hindi mahihirapan si Atom dahil preho silang Kapuso talents. 

Dennis pumayag maging surfer

Nag-shooting sa Samar sina Dennis Trillo at Je­rald Napoles para sa pelikulang Mina-Anud  na tungkol sa cocaine na nakita ng dalawang surfers sa karagatan sa may Samar. Para siguro ma­ging authentic ang mga eksena ni director Kerwin Go, nag-shoot sila sa Samar.

 Sabi ni Jerald, wala raw silang dialogue na Waray (salita sa Samar) ni Dennis.

Coming Soon na raw ito, ibig sabihin, malapit na ang showing. Iniisip tuloy namin kung kasama ang Mina-Anud sa entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Sa July 9, ang announcement ng official entries sa PPP na ang nasa likod ay ang Film Development Council of the Philippines under FDCP Chair Liza Diño.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with