^

PSN Showbiz

Manny huling laban na sim Matthysse

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Manny huling laban na sim Matthysse
Manny

Excited na ako sa nalalapit na Fight of Champions, ang laban nina Senator Manny Pacquiao at ng Argentine boxer na si Lucas Matthysse.

Sa July 14 ang pralala tungkol sa date ng bakbakan nina Papa Manny at Lucas pero live ito na mapapanood sa Linggo, July 15 sa Pilipinas dahil magkaiba ang oras sa US at Asia.

At tuwing may laban si Papa Manny, parang holiday sa bansa natin, walang trapik sa kalsada dahil nasa bahay ang karamihan na pinapanood ang mga boxing fight niya.

Panonoorin ko ang laban ng dalawa sa Kuala Lumpur Malaysia kaya maihahatid ko sa readers ng PSN (Pilipino Star Ngayon) at PM (Pang Masa) ang mga sidelight, ang mga sikat na personalidad na makikita ko, ang activities ni Papa Manny, bago at pagkatapos ng sagupaan nila ni Lucas sa boxing ring.

Siyempre, ang mag-win ang Pambansang Kamao ang prayers ko dahil karangalan ng Pilipinas ang tagumpay niya.

Pero wish ko rin na sana, last fight na ni Papa Manny ang pakikipagtunggali niya kay Lucas dahil wala nang dapat na patunayan pa ang Pinoy Boxing Champ.

Mahirap nang mabura sa kasaysayan ng boxing sa buong mundo ang achievements ni Papa Manny sa favorite sport niya na nagbigay sa kanya ng success, fame and fortune. Forever nang nakaukit sa history ng boxing ang mga kontribusyon niya.

Walang puwedeng magsabi na sinuwerte lang si Papa Manny sa propesyon na pinili nito dahil kung anuman ang meron siya ngayon, pinaghirapan at pinagsikapan niya.

Walang kokontra at walang puwedeng kumontra kapag sinabi ni Papa Manny na literal na pawis at dugo ang naging puhunan niya para marating ang tagumpay.

Tahasan din na masasabi ni Papa Manny na ito mismo ang gumawa ng kapalaran niya kaya inspirasyon siya ng mga tao na hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Sharon tinuldukan na ang pagpasok sa pulitika

Napatunayan kahapon na hindi totoo ang tsismis na kakandidato si Sharon Cuneta na mayor ng Pasay City dahil ang kanyang kapatid na si Chet ang susunod sa yapak ng kanilang ama na si Pablo Cuneta.

Tuwing magkakaroon ng eleksyon sa Pilipinas, palaging nababanggit ang name ni Sharon dahil pahulaan kung tatakbo siya o hindi bilang alkalde ng Pasay City.

Hindi nakakagulat ang pasya ni Chet na pumasok sa mundo ng pulitika dahil ito ang kinagisnan nila ni Sharon.

I’m sure, hindi na alam ng millennials na ang tatay nina Sharon at Chet ang longest serving mayor sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nagsimula ang political career ni Mang Ambo noong 1947 bilang deputy governor ng Rizal at naging alkalde siya ng Pasay City sa loob ng 41-years. Kung nabubuhay pa rin ngayon si Mang Ambo, baka ito pa rin ang mayor dahil love na love siya ng mga residente ng Pasay City.

Bong Go hanggang billboard at tarpaulin pa lang ang kandidatura

Mabuti pa si Chet Cuneta, nakapagdesisyon na tungkol sa kanyang political career.

Naunahan pa niya si Secretary Bong Go na hindi pa rin sure ang pagkandidato bilang senador sa 2019 elections, kahit marami ang nagpapahayag sa kanya ng suporta.

Hindi lamang mga government official at politicians ang supportive kay Papa Bong dahil pati ang mga artista, willing na ipinangampanya nang libre ang candidacy niya.

Isa lang ang tanong, matutuloy ba ang senatorial bid ni Papa Bong o hanggang mga billboard at tarpaulin lang ang news na kakandidato siya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with