^

PSN Showbiz

?Bukod kay Maine,Maricel idadagdag din kina Coco at Vic

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
?Bukod kay Maine,Maricel idadagdag din kina Coco at Vic
Maricel

Hindi kagulat-gulat kung bukod kay Maine Mendoza, matsitsismis din na kasama si Maricel Soriano sa cast ng Popoy En Jack: The Puliscredibles, ang official entry nina Vic Sotto at Coco Martin sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Kung pagsisikapan na mabuti at gugustuhin ng mga producer, talagang may possibility na makatrabaho ni Maricel sina Maine, Coco at Vic sa isang pelikula dahil representative din niya si Biboy Arboleda, ang manager ni Coco.

Mga producer naman ng pelikula sina Vic at Coco kaya may malaking say sila sa casting ng pelikula.

Positive ang mga feedback noon sa mga suggestion na pagsamahin sa isang project sina Maricel at Maine dahil pareho sila na versatile actress, magaling sa drama at comedy.

Kapag natuloy na pagsamahin sa Popoy En Jack ang apat na mga artista, sure winner ito sa box office race ng official entries sa film festival sa December.

?Birthday celebration ni Gladys ‘di matapos-tapos

Noong June 23 pa ang 41st birthday ni Gladys Reyes pero hindi matapos-tapos ang mga papiging para sa kanya.

Nagkaroon uli ng party para kay Gladys ang cast ng Inday Will Always Love You sa Estela, ang dinarayo na restaurant business nila ng kanyang husband na si Christopher Roxas.

Bonding-to-the max ang cast at production staff ng Inday Will Always Love You sa Estela noong Sabado kaya parang may taping na nangyari dahil present ang halos lahat ng mga bida, sina Ricky Davao, Barbie Forteza, Tina Paner, Kim Rodriguez, Nova Villa, Manilyn Reynes at Juancho Trivino.

In fairness kay Gladys, kontrabidang-kontrabida at kinamumuhian ang role niya sa Inday Will Always Love You pero love na love siya ng kanyang co-workers at televiewers.

Alam naman ng lahat na kontrabida lang si Gladys sa pelikula at TV pero mahusay siya na makisama at napakabait sa tunay na buhay.

Si Gladys din ang life of the party kaya feel na feel kapag wala siya sa set dahil tahimik na tahimik ang paligid.

Naninibago ang pakiramdan ng mga kasamahan niya sa Inday Will Always Love You sa tuwing missing in action si Gladys dahil hindi umaalingawngaw ang kanyang boses sa set.

?Gelli time out muna sa trabaho para sa anak

Time out muna si Gelli de Belen sa taping ng bagong teleserye niya sa GMA 7 dahil lumipad sila ni Ariel Rivera sa  Canada para dumalo sa high school graduation ng kanilang youngest son na si Julio.

Proud parents sina Gelli at Ariel dahil nakatapos na ng high school si Julio at ready na ito sa college life.

Kahit malayo si Julio sa kanyang mga magulang, hindi naman siya pinababayaan ng mga kamag-anak ni Ariel sa Canada.

Ipagpapatuloy ni Julio ang pag-aaral niya sa York University sa Toronto, Canada. Sosyal na school ang York University dahil may 53,000 students ito at pangatlo sa pinakamalaki na university sa Canada.

Very responsible parents sina Gelli at Ariel. Natatandaan ko ang kuwento na si Gelli ang personal na naghahatid at sumusundo  sa kanyang mga anak na sina Joaquin at Julio sa school  noong dito pa nag-aaral sa Pilipinas ang dalawang bagets.

Magaling sa time management si Gelli kaya napagsasabay niya ang kanyang mga responsibility bilang nanay at artista. Never na nagkaroon ng conflict sa mga schedule ni Gelli dahil si Ariel at ang mga anak nila ang mga top priority niya.

vuukle comment

COCO MARTIN

MAINE MENDOZA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with