^

PSN Showbiz

Marian may bago na namang negosyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Marian may bago na namang negosyo
Marian

Hindi na lang ang flower shop niyang Flora Vida by Marian ang business ni Marian Rivera dahil malapit na rin niyang ilabas ang bagong business niyang Porta Moneda by Marian.

Ginu-google pa namin kung ano ang ibig sabihin ng Porta Moneda at sabi ni Mr. Google, coin purse ito.

May nakita kaming close kay Marian sa GMA Network noong isang araw at tinanong kung ano ang bagong business venture ng aktres.

Noong una, ang sabi nito, bag, pero kinorek din at sinabing purse ang ilu-launch na bagong business ni Marian.

Ngayong Biyernes nga pala ang announcement ng MMFF sa first four official entries sa 2018 MMFF based on script submission.

Naaalala naming nabanggit ni Marian na may gagawin siyang movie this year under APT Entertainment. Sa management nito namin nalamang isinabmit sa MMFF ang script ng movie and this Friday nga malalaman kung isa ‘yun sa mapipili.

Kung hindi mapipili ang script, ang target ng APT Entertainment, sa November i-release ang movie ni Marian.

Kris di pa  nakakaharap si John 

Hindi lang sa 400M views daw sa Facebook, Youtube at Instagram (IG) ang rason kung bakit magbibigay na naman ng Louis Vuitton bag si Kris Aquino sa kanyang followers. Kasama sa rason nang pagpapa-thank you ni Kris ang P200M half-year income ng digital company ni Kris na KCAP Productions.

Hindi natatakot si Kris na i-announce ang perang pumapasok sa digital company niya dahil maayos daw siyang nagbabayad ng buwis.

Kaya bilang pasasalamat, isang Neverfull LV bag ang ibibigay niya mula sa mapipiling 20 followers niya form IG, 14 from Facebook at six from Youtube.

Yung nabanggit ni Kris na 16.7M viewers na kailangan pa para ma-hit ang 400M views mark ay nabawasan na siguro mula nang i-announce na may pa-LV bag siya, kaya mas nalalapit ang pagbibigay niya ng bag.

Samantala, sa first week of July pa pala magsu-shooting si John Estrada sa eksena nila ni Kris sa I Love You Hater.

Dingdong susundan na agad sina Sid and Aya

Nakipag-meeting na sa Star Cinema si Dingdong Dantes para sa bagong pelikulang gagawin nito. Wala pang announcement kung ano ito, kung sino ang mga makakasama at kung sino ang director.

Sa presscon ng Amazing Earth, nabanggit ni Dingdong na after Sid & Aya, dalawang mo­vie offers ang dumating sa kanya.

Obviously, ang offer ng Star Cinema ang una niyang tinanggap at unang gagawin.

Magiging busy si Dingdong dahil by August, sisimulan na raw ang taping ng bago niyang teleserye sa GMA 7.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with