^

PSN Showbiz

Vice hindi nagpabayad sa Miss Manila, Kobe todo tili sa sis ng gf

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice hindi nagpabayad sa Miss Manila, Kobe todo tili sa sis ng gf
Vice

Ramdam na ramdam ang presence ni Kobe Paras sa ginanap na coronation night ng Miss Manila 2018 the other night sa PICC.

Sister ng girlfriend niyang si Ateneo Lady Blue Eagles player Pauline “Ponggay” Gaston si contestant no. 16, Therese Marie Marguerette Gaston. Sadly, umuwing luhaan si Ms. Gaston at hanggang top 15 lang siya napasama.

Pero grabe ang  tili ng grupo nina Kobe at  GF niyang si Ponggay. Sila actually ang pinaka-malakas mag-cheer eh nasa may bandang harapan pa naman sila.

Medyo bagets pa ang sis ng GF ni Kobe eh magaganda ang mga nakalaban niya na kailangan pa talaga ng matinding training kung nagpa-plano pa uli siyang sumali sa beauty pageant.

Si Vice Ganda ang naging chair of the Board of Judges. In all fairness, hindi raw tumanggap ng talent fee si Vice sa kanyang pag-upo bilang hurado sa Miss Manila ayon kay tita June Torrejon, head of production ng Viva Live na producer ng Miss Manila for five years now. Tanging ang sinuot lang daw nito ang sinagot ng production.

Maging si Alice Dixson na isa rin sa judges ay wala rin daw TF. Tulad ni Vice, sinagot lang ng Viva ang glam team ng actress.

Sayang lang at ‘di nakarating si Davao Mayor Sarah Duterte na isa rin sana sa mga judge.

Jinkee nailantad na ang ebidensiya kay Ji Chang Wook

Wow nailantad na ni Jinkee Pacquiao ang pictorial nila ng favorite Korean actor niyang si Ji Chang Wook sa social media na personal niyang nakilala nang magbakasyon sila sa South Korea last Christmas.

Super huge fan ang misis ni Sen. Manny Pacquiao ng K actor na  tsinitsismis na retokado. “Hi Ji Chang Wook. I am so blessed and happy to have finally met you,” sabi Mrs. Pacman sa series of photos nila ng buong pamilya kay Ji Chang Wook na ang hashtag ay ang mga title ng mga palabas nito.

Nasa military training pa ang Korean actor last December at bawal na bawal diumano itong ilantad kaya pinigil-pigilan daw ni Jinkee ang sarili na ipakita ang ebidensiya ng pakikipagkita niya sa actor. Maging ang Pambansang Kamao raw ay favorite na rin ang actor.

Dahil nga diyan, nagbabalak daw si Jinkee at ang kanyang grupo na i-produce ito ng concert sa Manila.

Angelica pinagtawanan si Carlo nang makabangga 

Nadawit sa aksidente ang sinasabing nagkabalikan na sina Carlo Aquino and Angelica Panganiban.

Sa Instagram video post ni Angelica tawa siya nang tawa habang nakikipag-usap si Carlo sa nakasabitan niyang kotse. “Meron po siyang problema...” habang nagvi-video ang actress sa loob ng sasakyan.

Nang bumalik si Carlo ng kotse, tinanong siya ni Angelica.  Anong ginawa mo?”  “Magbabayad lang ako sandali...” sagot ng aktor  matapos dukutin ang wallet.

Sabi ni Angelica ang usapan nila ay ‘joyride’ lang. “Bakit tayo nabangga?  ‘etong mga batang 90’s na ‘to! Pariwara!’ #DeserveMoAngFeedPost #TanghalingTapatKasi @jose_liwanag,” ang sabi ni Angelica sa caption.

May mga kinilig sa nasabing post dahil pa-cute ang boses ng actress pero may ibang nagsasabing baka part na lang ito ng promo ng ginagawa nilang pelikula.

James tatay na uli

Tatay na uli si James Yap. Nanganak na ang partner niyang si Michela Cazzola sa second baby nila. “Our baby Francesca Michelle is here  Thank you God for protecting them during the delivery ,” ang sabi ng basketbolista sa kanyang social media account.

So kuya na naman si Bimby. Ayaw na raw mag-comment ni  James ng kahit ano sa dati niyang mag-inang sina Kris Aquino and Bimby para makaiwas sa anumang isyu.

Wala rin itong sagot sa nababalitang pagpasok   niya sa pulitika.

Maling anggulo ni Anne ginawang big deal

Eh ano naman kung tumaba ng konti si Anne Curtis at napapagkamalang buntis?

Walang masamang magkalaman at wala rin naman masamang mabuntis siya dahil may asawa si Anne. Nagpaliwanag kasi sina Anne at sister in law niyang si Solenn Heussaff tungkol sa matabang anggulo ni Anne sa isang family photo nila na kuha sa  Portugal.

Sinabi ni Anne na ‘di siya preggy at nasa anggulo lang talaga.

Pati ba naman anggulo pinakikiaalaman na ngayon? Hahaha. Kaloka.

vuukle comment

KOBE PARAS

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with