^

PSN Showbiz

JC inilantad na ang partner at anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
JC inilantad na ang partner at anak

Hanggang ngayon ay hindi pa talaga pinost ni JC de Vera sa socmed account niya ang photos sa binyag ng anak niyang si Lana.

Sa Instagram photo na in-upload ni Nadia Montenegro sa binyag na ginanap sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, makikita  ang mom ng baby ni JC.

Ilan sa mga taga-showbiz na nagpunta sa bin­yag ay ang komed­yanteng si Pooh, John Prats, at Nadia.

Sabi ng fans ni JC, hihintayin na lang nila kung kailan magiging ready si JC na ipakilala officially ang partner niya at ipakita ang baby girl niya.

Fans ni Alden kailangang mag-ipon

Maraming aabangan at marami rin ang gastos ng fans ni Alden Richards sa kanya dahil bukod sa Victor Magtanggol, magkakaroon din ng concert si Alden, sabay ng launching ng bago at third album niya sa GMA Records.

Ang title ng album na title rin ng concert ay Adrenaline Rush na gagawin sa KIA Theater sa September 21.

Wala pang final guest sa concert at ang kumpirmado pa lang, si GB Sampedro ang director na siya ring director ng Upsurge concert ng singer/actor last May 27, sa KIA Theater pa rin.

Dahil matagal pa ang concert, hindi pa in-announce kung kailan ilalabas ang tiket, ang open pa lang ay special order na ang ibig sabihin ay ticket inquiries pa lang sa 376-3395.

Mahaba pa ang panahon para makapaghanda si Alden at ang kanyang team sa Adrenaline Rush. 

Rayver kapamilya na talaga nila Janine

Ang gandang basahin ng post ni Janine Gutierrez para sa mom niyang si Lotlot de Leon nang mag-graduate sa college ang brother nito na si Diego. Kinunan ni Janine na magkayakap ang mom niya at si Diego sa graduation nito.

“Mom didn’t get the chance to go to college so all she ever asked of us was to finish school. Well mom, you’re the one who got us through all the late nights and impossible accounting exams and long reports and for kuya-balancing basketball and school. 3 kids down! So technically, you’ve graduated 3 times too. Love you!”

Isa na lang ang pagtatapusin nina Lotlot at Ramon Christopher, kapag nag-graduate si Maxine, wala nang mahihiling ang ex-couple.

Samantala, part na talaga ng family nina Lotlot si Rayver Cruz, ang BF ni Janine dahil pati sa panonood ng pelikula ng kanilang pamilya ay ka-join ito. Nagkataon na sa last time nilang movie night, nakasabay nilang manood sina Christopher de Leon at anak nitong si Mariel de Leon.

Ara ‘pumiyok’ na

Ipinahamak si Ara Mina ng poser niya sa Ins­tagram (IG) na @simplyaramina dahil nag-comment ito sa IG post ni Rina Navarro na kung saan, nabanggit nito (without mentioning name) ang babaeng sumira raw ng bini-build up nilang pamilya ng partner niya that time together with their son.

Nag-comment si @simplyaramina ng “All this people judging me have no idea kung ano nangyayari. Could you just stop spreading hate over my social media accounts. I don’t have any affair with anybody right now I am happy to be single. Wag po tayo mapanghusga dahil wala tayo alam. God Bless po sa inyong lahat.”

Sa halip na makatulong ang comment ni @simplyaramina, lalo pang nagalit sa tunay na Ara Mina ang netizens. The next time we checked, “user not found” na ang status ni @simplyaramina, pero the damage has been done, ika nga.

Kung fake account man ‘yun, marami pa rin ang naniwalang legit account ‘yun ng aktres, marami ang umaway sa kanya at lalo pa siyang na-bash.

Tsinek namin ang legit account ni Ara sa IG at ‘pansin namin, walang masyadong pumapasok para awayin siya. Ang sabi, bina-block nito ang mga basher na dapat lang naman siguro dahil positive ang comments ng kanyang followers sa posts na madalas, kasama ang anak na si Mandy.

vuukle comment

JC DE VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with