^

PSN Showbiz

Juliana hindi mahihirapan sa showbiz career

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Juliana hindi mahihirapan sa showbiz career
Goma, Lucy at Juliana

Madaragdagan na naman ang showbiz royalty dahil ready nang pumasok sa entertainment industry si Juliana Gomez, ang unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres.

Hindi mahihirapan si Juliana na makapasok sa showbiz dahil mga sikat na personalidad sa entertainment business at pulitika ang mga magulang niya.

Kung ano ang nangyari kay KC Concepcion, sure na mararanasan ni Juliana. Never na nahirapan si KC na maka-penetrate sa showbiz dahil anak siya nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Binuko ni Sebastian, Paolo hiwalay na naman sa BF

Tinawag na famewhore ang gay actor na si Sebastian Castro dahil siya ang naglabas ng balita na hiwalay na sila ni Rootword, ang kanyang mystery boyfriend na may initials na P.B. ang pangalan.

Si Paolo Ballesteros ang pinaghihinalaan na Rootword sa buhay ni Sebastian pero never siyang nagsalita tungkol sa isyu at para maging believable ang pralala ni Sebastian, kailangan ng confirmation ng Eat Bulaga co-host na imposible na mangyari.

At dahil walang kumpirmasyon, hindi masyadong sineryoso ang isyu na inumpisahan ni Sebastian na pinagbibintangan na masiba sa publicity.

Hindi dapat i-judge ang ginawa ni Sebastian dahil baka ang pag-e-emote sa nangyari sa kanyang pakikipagrelasyon ang paraan ng pagluluksa niya.

Hindi natin masisisi si Sebastian dahil nakaka-hurt naman talaga na wala silang formal break up ni Rootword as in nakatanggap lang siya ng text message na the end na ang love affair nila.Ouch! Super ouch!

Bashers hindi nakalusot kay Maricel

Sa tuwing nakakabasa ako ng mga emote ng mga artista na biktima ng bashing, ang sinabi ni Maricel Soriano ang naaalala ko.

“Ginusto n’yo ‘yan! Magdusa kayo!” ang reaksyon ni Marya sa mga artista na durog na durog sa mga batikos ng mga tao na hindi nila personal na kilala at hindi agree sa kanilang mga drama sa social media.

Tama ang sinabi ni Maricel na walang mga social media account dahil gusto niya ng tahimik na buhay. Kung may social media account na Maricel Soriano ang pangalan, ang avid and loyal fans ni Marya ang administrator, hindi siya.

May respeto si Maricel sa kapwa kaya ayaw niyang binabastos siya. Naniniwala pa rin si Maricel sa matandang kasabihan na respect begets respect.

May Instagram account ako at nakakaranas din ako ng mga bashing pero tulad nang sinabi ko noon, hindi ako nagpapaapekto. Binabasa ko ang mga comment ng bashers dahil nakikita ko ang tunay na pagkatao at ang limitasyon ng kanilang mga pang-unawa, base sa mga salita na pinakawawalan nila. Kapag bastos ang mga salita na ginagamit ng bashers, asahan natin na kabastus-bastos  ang personality niya.

Tonton sampalataya sa Myotherapy

Natuwa si Tonton Gutierrez dahil kapitbahay lang niya sa isang village sa Quezon City ang physical therapist na si Rex Sta. Maria na expert sa myotherapy o deep tissue massage.

Si Tonton ang isa sa mga client ni Rex bago ito nag-migrate sa Canada, 8-years ago. Bumalik na si Rex sa Pilipinas at nagtayo sila ng kanyang misis ng rehabilitation clinic, ang CynRex Myotherapy sa Unit 307 B  ng Bonaventure Plaza along Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan City.

Si Tonton ang living witness sa mahusay na treatment ng CynRex Myotherapy sa mga tao na may stiff neck, migraine, scoliosis, fibromyalgia, muscular pain syndrome, arthritis, muscle spasm etc.

Sa mga interesado sa serbisyo ng CynRex Myotherapy, by appointment ang pagtanggap nila ng mga pasyente kaya makipag-ugnayan muna kina Rex at Cynthia sa telephone numbers 0932-5638926, 0995-4085314 at 664-5903.

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with