^

PSN Showbiz

Female personality ayaw tumigil sa kadadaldal, ramdam na uhaw na uhaw sa publicity!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na kagandahan ang mga salitang ibinabato-ikinakapit ngayon tungkol sa isang female personality. Parang hindi na maganda sa pandinig ng mas nakararami ang kanyang mga talak tungkol sa isang taong itinuturing niyang pinakamahigpit na kaaway ngayon.

Konklusyon ng ating mga kababayan ay tama na ang isa, dalawa, tatlo at apat na pagsasalita, dahil kapag sumobra pa du’n, ay publisidad na ang kanyang hanap.

Lumalabas tuloy ngayon na uhaw na uhaw siya sa publicity, sobrang sinasamantala niya ang pagkakataon para siya mapag-usapan, para palagi siyang nasusulat sa mga pahayagan.

Komento ng isang nakausap naming nabi­bingi na sa kakukuda ng female personality, “Ang dami-dami niyang sinasabi against sa taong kinamumuhian niya! Kung tutuusin, e, hindi na nga siya dapat magkaganyan, kasi, naibalik naman ng taong ‘yun ang hinahabol niya!

“Pero pinahahaba pa niya ang kuwento! Kung anu-anong scenario ang binabalikan niya para lang siya mapag-usapan! OA na ang mga reactions niya, ine-enjoy niya talaga ang moment na ito!” nakataas ang kilay na komento ng aming source.

Ayon naman sa isang impormante ay hindi nagkulang ang isang taong malapit sa female personality, panay-panay ang payo nito sa kanya na tumigil na siya sa pagpapa-interview, tutal naman ay nasabi na niya ang lahat-lahat ng gusto niyang ipagbanduhan sa publiko.

Balik-kuwento ng aming source, “Sinabihan na siya ni ____(malapit na personalidad sa nagpapaseksing aktres), tantanan na raw niya ang pagsasalita, dahil malaki naman ang naging pakinabang niya du’n sa tao nu’ng goody-goody pa sila!

“Minaster na raw kasi ng female personality na ‘yun ang pagiging lambingera, palahingi pala siya, kaya marami siyang nagetlak na branded stuff mula sa inaaway niya ngayon!

“Pero hindi pa rin niya ‘yun pinakinggan, siya pa mismo ang tumatawag sa mga reporters para inter­byuhin siya, kaya nagmumukha tuloy siyang uhaw na uhaw sa publicity.

“Ayan tuloy, dahil sa kakakatsang niya, e, parang mas kumakampi na ngayon ang marami sa kaaway niya! Parang wala nang nakikinig sa mga patutsada niya! Marami nang inis na inis sa kanya!

“Mismo! Inis na inis na sa kadadaldal niya pati ang mga kapwa niya artista! Nakakainis nga naman kasi siya!” pagtatapos ng ­aming source.

Ubos!

Erich sinisingil ng tatlu-tatlong role

Sinisingil na si Erich Gonzales ng tatlong papel na ginagampanan niya sa The Blood Sisters. Ganyan-ganyan ang nangyari nu’n kay Claudine Barretto, dahil sa tatlong karakter na ginampanan nito sa isang serye ay bigla ring bumagsak ang kanyang katawan, ilang araw itong hindi nakapag-taping.

Aba, hindi simple ang gumanap sa tatlong iba-ibang papel sa serye, sa pag-aayos pa lang ng buhok ng bumibida ay isang napakalaking kapaguran na.

Paano pa ang preparasyon sa kanyang mga dialogues, paano pa ang pagiging consistent sa character na ipinagkatiwala sa kanya, hindi birong trabaho ang ganu’n.

Dahil sa sobrang pagod at stress ay bumigay ang katawan ni Erich, inatake siya ng hika, kaya itinakbo siya sa ospital. Totoong napakagaling niyang gumanap sa tatlong karakter niya sa serye, pero paano naman ang kanyang katawan, siguradong isang araw ay kakapusin din siya ng lakas sa pagtatrabaho.

Tanong sa amin ng kaibigan naming propesor, “Paano ba ang kalakaran sa ganyan? Triple rin ba ang talent fee ng artista kapag tatlong characters ang ipino-portray niya?

“May individual talent fee ba ang bawat role na ginagampanan niya? I guess, ganu’n nga, dahil tatlong katauhan ang ginagawa ni Erich sa seryeng siya ang bida. Dapat talagang maging ganun ang kalakaran dahil her portrayal for three characters is no joke!” katwiran ng prop.

Mabuti na lang at to the rescue ang kanyang ate, nang malaman ni Kris Aquino ang nangyari sa kanya ay agad nitong tinawagan ang kanyang doktor para asikasuhin si Erich, sa kanyang bahay na rin namahinga ang aktres na walang kapamilya dito sa Manila.

Ganu’n naman talaga si Kris Aquino. Ang kanya ay kanya at ang hindi ay hindi.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with