^

PSN Showbiz

Bong may administrator sa FB!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong may administrator sa FB!
Lani at Bong

Klarung-klaro ang explanation ni Lani Mercado na may administrator ang Facebook account na nakapangalan kay Bong Revilla, Jr. at lumang litrato ang ginamit sa Facebook post tungkol sa ika-apat na taon na pagkakakulong ng asawa niya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Ang paliwanag ni Lani ang sagot nito sa controversial issue na kinumpiska ng PNP officials ang cell phone na diumano’y ginamit ni Bong sa selfie photo na naka-post sa Facebook.

Alam ko na hindi dapat at bawal ang anumang gadgets sa loob ng Camp Crame, kaya bawal ang mga cell phone.

Kung regular visitor kayo sa mga nakakakulong sa PNP Custodial Center, tiyak na alam ninyo na grabe ang higpit ng mga bantay na pulis pero isang bagay ang masasabi ko, may respeto sila sa mga bisita.

Kinakapkapan ng mga bantay ang mga dumadalaw, bata man o matanda. Hinahalungkat nila ang mga dala, pagkain o bag ng lahat, ordinaryong tao man, ang mga artista at ang mga pulitiko na dumadalaw.

Hindi pinapapasok ang mga hindi nagdadala ng ID pero sabi ko nga, mahigpit man ang mga bantay, marespeto sila sa mga bisita at maayos ang pakikipag-usap nila.

For four years na dumadalaw ako sa Camp Crame, noong magkasama pa sina Jinggoy Estrada at Bong na nakakulong, never ako nagdala ng cell phone sa loob ng PNP Custodial Center.

Kung dinala ko ang cell phone ko, marami sana ang memorable photos na naipon at nagamit ng mga kaibigan ko sa entertainment press tulad ng pagdalaw ni Gretchen Barretto, ang una naming pagkikita nang matagal-tagal ni Gabby Concepcion, ang pagdalaw nina Andrea Torres at Kim Domingo, ang ilang beses na pagbisita nina Rhian Ramos, Jennylyn Mercado at Katrina Halili.

Hindi ko na nga hihilingin na dalawin si Bong ng mga Bb. Pilipinas candidate na alaga ni Jonas Gaffud  dahil sobrang higpit na talaga ng mga bantay.

Ayoko naman kinakapkapan ng policewomen ang mga female visitor.

Apat na taon nang nakakulong si Bong sa Camp Crame. Ayoko nang tanungin ang legal strategies ng mga abogado niya  mula kay Atty. Joel  Bodegon hanggang kay Atty. Estelito Mendoza dahil bakit nakalabas na sina former Senator Juan Ponce  Enrile at Jinggoy pero nagdurusa pa rin si Bong sa loob?

Nagpapasalamat na lang talaga ako kay God dahil bago sumuko si Bong noong 2014, nagpunta muna sila ng pamilya niya sa Holy Land kaya very strong ang kanilang spiritual at emotional components.

Dasal na lang at ang malaking tiwala niya sa Panginoon ang pinanghahawakan ni Bong. Pina­laki na isyu ang lumabas na selfie photo ni Bong na kuha noong mabigyan siya ng Christmas furlough at umuwi siya sa bahay nila sa Cavite para makasama niya ang kanyang ama na si Mang Ramon.

Please, huwag na natin lagyan ng asin ang sugat.Apat na taon nang nakapiit si Bong. Hanggang kailan pa siya magtitiis at magdurusa?

Hanggang kailan n’yo pa susubukan na i-break ang kanyang spirit, his capacity to endure? Please, I pray, we pray, let’s pray na matapos na ang mga pinagdaraanan niya na kalbaryo at pagsubok.

Hindi na maibabalik ang apat na taon na lumipas pero bigyan na natin ito ng closure. Guilty or not guilty, please decide, please dahil kung anuman ang mangyayari, matapang ito na haharapin at tatanggapin ni Bong.

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with