^

PSN Showbiz

Sarah mabibigat ang mga eksena sa Miss Granny, nagpatulong sa acting coach

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah mabibigat ang mga eksena sa Miss Granny, nagpatulong sa acting coach
Sarah

Malapit nang matapos ang shooting ng pelikulang Miss Granny na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo, Xian Lim at James Reid.

Ayon kay Sarah ay mabibigat na mga eksena na lamang ang natitirang hindi pa tapos kaya nakararamdam siya ng pressure para dito. “We are fi­nishing up. Medyo napi-pressure na kasi ito ang highlights po talaga. So sana maging okay,” bungad ni Sarah.

Kakaiba raw talaga ang tema at istorya ng bagong pelikula ng Popstar Princess kaya dapat itong pakaabangan ng mga manonood. “Napakagandang istorya, para po sa buong pamilya, para sa mga nangangarap. Itong istorya na ito ay dedicated to all the mothers out there. Pinapakita nito ‘yung unconditional at fearless na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. It’s also a dreamer’s story,” pagbabahagi ng dalaga.

Ginagampanan ni Sarah ang papel bilang batang si Fely na siya ring karakter ni Nova Villa sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Sarah ay ibang-ibang istilo ng pag-arte ang ginawa niya para sa nasabing pelikula. “May tumutulong po sa akin na acting coach. Kasi siyempre ang mga nuances of a woman in her 70’s, medyo iba ang galaw. Siyempre medyo matagal na ‘yung huling acting project ko. So challenging din for me,” kwento ni Sarah.

Binoe kinakampanya ang mga taga-showbiz na maging makabayan

Isinusulong ngayon ni Robin Padilla ang adbokasiyang mahalin ang sariling atin. Bilang ambassador ng Brand Pilipinas 2018 ay naniniwala ang aktor na malaki ang maitutulong niya bilang isang artista na makahikayat sa mga kababayan natin at kapwa niya artista na tangkilikin ang mga produktong Pinoy. “Hindi ito mada­ling gawin, dahan-dahan natin na mahalin ang sariling atin. Itong sinasabi namin, lalo na para sa mga kasamahan natin na artista, para sa atin itong lahat. Kasi ‘pag hindi pa natin ito ginawa at hindi ninyo ginamit ang pagiging artista ninyo na kayo ay maimpluwensya, ay ganito na lang tayo. Masyadong nakakahiya para sa magiging anak natin,” makahulugang pahayag ni Robin. Nakikiusap  ang aktor sa mga kasamahang artista sa industriya na sana ay magsilbing magandang ehemplo para sa kapakanan ng nakararami. “Dahil kapag tinanong ka kung ano bang ginawa mo diyan sa kapangyarihan na ibinigay sa ‘yo, sa kasikatan na ginawa mo. Maraming adbokasiya ang mga artista, kanya-kanyang adbokasiya, pero walang pinakamagandang adbokasiya kundi ang pag-ibig sa bayan,” giit ng aktor.

Para kay Binoe ay hindi madali ang kanyang ginagawang paghikayat na ma­ging makabayan ang mga kapwa artista at bawat Pinoy. “Hindi natin mabibigla ang mga tao, lahat may umpisa. Kasi dapat ang pagkuha ng mensahe dito sa ginagawa po namin, isang paghamon ito. Hindi namin kayo pinapakiusapan, kasi wala naman kaming makukuha sa inyo. Hindi kami nagbebenta dito at hindi kami nagpapabayad,” pagtatapos niya.

vuukle comment

MISS GRANNY

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with