^

PSN Showbiz

Coco pumayag na ring lumabas sa Bulaga?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Coco pumayag na ring lumabas sa Bulaga?!
Coco

Jasmine nagmukhang ate ni Anne nang pumayat

Seen: The face that refreshes ang kagandahan ng veteran actress at movie queen na si Susan Roces. Walang make up pero magandang-maganda ang mukha ni Susan nang mag-renew siya kahapon ng kontrata bilang endor­ser ng RiteMed.

Scene: Nine years older si Anne Curtis sa kanyang kapatid na si Jasmine Curtis Smith pero ito ang mapagkakamalan na ate. Nag-mature nang husto si Jasmine dahil napasobra ang pagbabawas niya ng timbang.

Seen : Ang opinyon na sina Elmo Magalona at Kisses Delavin ang dapat na magkapareha sa pelikulang Walwal dahil pareho ang shape ng kanilang mga mukha.

Scene : May mga umarko ang kilay sa pinalulutang na balita na si Nars Cabico ang Vice Ganda ng GMA 7. Inaasahan na pabubulaanan ni Nars ang balita at magpapakumbaba siya sa ngalan ng free publicity at para pumasok na siya sa kamalayan ng Pinoy fans.

Seen : Ang balita na gusto ni Vice Ganda na makuha ang paghanga ng AB crowd kaya gumagawa ng paraan ang kampo niya na magkaroon siya ng mga publicity sa mga lifestyle section ng mga broadsheet at glossy magazines.

Scene : Ang very early speculations na magpo-promote si Coco Martin sa Eat Bulaga kapag natuloy ang pelikula na pagsasamahan nila ni Vic Sotto na balak isali sa 2018 Metro Manila Film Festival. Walang natatandaan ang televiewers na nag-promote si Coco ng Ang Panday sa It’s Showtime noong December 2017 dahil may entry din si Vice Ganda sa nakaraan na MMFF.

vuukle comment

COCO MARTIN

JASMINE CURTIS SMITH

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with