^

PSN Showbiz

Singer-actress nagkalakas na ng loob mag-asawa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Minsan na palang naglakas-loob na magpaa­lam ang isang sikat at magaling na singer-actress sa kanyang mga magulang tungkol sa kagustuhan niyang magbuo na ng pamilya. Hindi niya kasama ang boyfriend niyang aktor nang sabihin niya ‘yun sa parents niya.

Ayon sa aming source ay patagilid lang ang ginawang pagpapaalam ng sikat na female singer, may ibinigay lang siyang halim­bawa sa kanyang mga magulang, pero agad siyang nabara sa kanyang gusto.

Kuwento ng aming source, “Ano kaya ang gustong mangyari sa kanya ng mga magulang niya, ang tumandang-dalaga? Nand’yan na ang lalaking gusto niyang makasama sa pagkakaroon ng family, ano pa ba ang kulang?

 “Naiahon na niya ang family nila sa kahirapan, guaranteed na ang future ng pamilya niya dahil sa pagtatrabaho niya nang araw at gabi, ano pa ba ang kulang sa mga nagawa na niya?

 “Hindi na siya bagets, sobra-sobra na sa tamang age ang pag-aasawa niya, pero bakit ayaw pa rin siyang pa­yagang magpamilya ng parents niya?” unang tanong ng aming impormante.

Ayon pa rin sa aming kausap ay gusto sana ng sikat na female personality na isama niya ang aktor niyang karelasyon sa pagsasa­bi sa kanyang mga magulang, pero nagda­lawang-isip siya, dahil tiyak na magagalit ang kanilang mga kakausapin.

 “E, siya ngang hindi niya kasama ang guy, e, kilometriko nang litanya ang narinig niya, ‘yun pa kayang kasama niya ang guy sa pagpapaalam? E, di lalo na?

Ang sasabihin na naman ng mga magulang niya, e, bad influence ang guy, kung anu-ano ang itinuturo sa kanya? Ganu’n ang impression nila sa lalaki, di ba? Ano ba talaga? Baka kapag pumayag silang magpakasal na ang anak nila, e, wala nang capacity na magkaanak?

 “Nasa wastong age na siya, sobra-sobra pa nga, napatuna­yan na rin naman nila na hindi user ang guy at hinding-hindi pera lang ang habol sa anak nila dahil mas mayaman ang angkan ng lalaki?

 “Nakakaawa naman ang girl, pangarap ng bawat babae ang makumpleto ang buhay niya through having a family of her own, di ba? Pero paano mangyayari ‘yun kung ganyan na plano yata siyang buruhin ng pamilya niya?

 “Nakakaawa naman siya, forever na lang ba siyang magtatrabaho hanggang sa mag-umiyak na siya sa entablado na bakit ganu’n? Nasa kanya na ang lahat, pero malungkot pa rin siya?” pagtatapos ng ­aming source.

Ubos!

Jolo and Jodi nagluluksa pa sa hiwalayan

“Thank you” lang ang isinagot ni Jodi Sta. Maria sa mga nagtangkang magtanong kung totoong hiwalay na sila ni Vice-Governor Jolo Revilla.

Sinagot niya at idinetalye pa nga kung bakit sobrang payat niya ngayon na ipinag-aalala ng kanyang mga tagahanga na baka mauwi sa pagiging anorexic niya, pero ang tungkol sa kanila ng aktor-pulitiko ay hindi diretsong sinagot ng magandang aktres, isang magalang na “thank you” lang ang naging tugon niya.

Ganu’n din ang nangyari nang makita si Vice-Governor Jolo Revilla ng mga ko­lum­nista, wala ring diretsong isinagot ang aktor-pulitiko, ta­nging matamis na ngiti lang ang pinakawalan nito sa mga nagtatanong sa kanya.

At kapag ganu’n na walang pinakakawalang paha­yag ang magkabilang kampo ay ano pa nga ba ang magiging konklusyon ng mga humihingi ng kumpirmas­yon? Natural, totoo ang kuwento, nauwi nga sa wala ang walong taon nilang relasyon ng magkahawak-kamay nilang inalagaan.

Sabi ng isang kasamahan naming manunulat, “Napakadali namang sabihin na oo o hindi, isang salita lang naman ang bibitiwan nila, pero hindi nila masagut-sagot. Nakakapanghinayang naman ang relasyon nila.”

May tamang panahon para magpaliwanag sina Jodi at VG Jolo, sa ngayon siguro ay hindi pa sila makapagbigay ng opisyal na pahayag, dahil baka magbago pa ang takbo ng panahon at magkasundo uli sila. Isa ‘yun sa mga posibilidad.

Puwede ring nasa grieving period pa sila nga­yon, gusto muna nilang angkinin ang katahimikan ng isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay, ikalawa ‘yun.

Pero hindi naman nila maitatago ang katotohanan, isang araw ay may lalabas din silang pahayag kung bakit nauwi sa wala ang napakatagal nilang relasyon, ‘yun ay kapag kumpirmado na nilang walang magaganap na balikan.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with