^

PSN Showbiz

Anne umani ng milyon sa pagwu-workout

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anne umani ng milyon sa pagwu-workout
Anne

MANILA, Philippines — Umabot sa 1,218,961 ang likes ng video post ni Anne Curtis na nagwu-workout siya bilang paghahanda sa August 18 concert niyang Annekulit sa Smart Araneta Coliseum. Ito na ang pinakamataas na likes sa isang post ng isang local celebrity.

Sa milyong likes, ang hirap mag-back read ng pangalan kung sino ang mga nag-like sa video. Ang hirap ng ginagawang workout ni Anne at bilib sa kanya ang kanyang followers.

Sa August 18, pa ang concert at labas na ang mga tiket, pero ang tiket sa VVIP tickets ay available for reservation via Viva Live Official dahil ito sa Meet and Greet after the concert.

Sabi pa ni Anne, “we are finalizing stage details because I want  to make sure kahit dulo kayo, aabot ako para makikita nyo kakulitan ko as I celebrate 21 years in the industry!”

Ang daming ganap kay Anne, ibinalita rin nitong magiging closing film sa New York Asian Film Festival ang Buy Bust na dahil June 29 to July 13 ang takbo ng NYAFF, sa July 13, ang screening ng movie. Showing naman rito ang nasabing pelikula sa August 1. May short teaser nang inilabas ang Viva Films sa mga sinehan.

John hindi pa nakikipag­kaibigan  sa mga taga-GMA

Natuloy mag-guest sa I Love You Hater si John Estrada at siya mismo ang nagbalita nito sa Instagram (IG) “Guested in this to be blockbuster movie  I love you Hater” with these two lovebirds @garciajoshuae and @juliabarretto. I missed @krisaquino on the set.”

Speaking of John, napansin namin na karamihan sa mga bumati sa kanya noong birthday niya last June 13, mga kasamahan sa ABS-CBN. Kabilang sina Coco Martin, director Edgar Mortiz, director Ruel Bayani at JM de Guzman. Pati sa birthday dinner ni John, Kapamilya ang ilan sa bisita niya at sina Derek Ramsay at GF nito ang invited.

Ibig sabihin, wala pang masyadong kaibigan sa GMA 7 si John kung saan siya lumipat at kung saan kasama sa cast ng Victor Magtanggol. Si John pa lang ang formal na ipinakilalang kasama sa cast ng teleserye ni Alden Ri­chards. Ang iba ay bawal pang banggitin. 

vuukle comment

ANNE CURTIS

ANNEKULIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with