^

PSN Showbiz

May pagtatambalan, Nadine kay Xian muna!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
May pagtatambalan,  Nadine kay Xian muna!

Si Xian Lim ang magiging partner ni Nadine Lustre sa pelikulang Ulan.

Kahapon ay nagkaroon na sila ng story conference na no. 1 spot na agad sa Philippines Trend #ULANStoryConference. With Nadine are Marco Gumabao and AJ Muhlach.

Written and directed by Direk Irene Villa­mor na nasa likod ng box office movie na Sid & Aya na malapit nang kumita ng P200 million, inaasahang maganda at new concept din ang Ulan.

Cry… iba ang atake sa pananakot at tensyon

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Cry No Fear starring Ella Cruz and Donnalyn Bartolome from Viva Films.

Iba rin kasi ang fear na mararamdaman mo sa pa­nonood nito. Magaling talaga sa horror/suspense si Direk Richard Somes. Iba ang ginagamit niyang atake sa bawat eksena. Hindi luma at de kahon. Parang gustong magtago sa upuan.

Kahit medyo madugo ang maraming eksena, maa­yos niyang na-execute.

Bidang-bida sina sina Ella and Donnalyn na guma­nap na magkapatid na sinugod ng isang mag-anak na pumapatay. 

Showing na Cry No Fear sa mga sinehan since yesterday.

Bong apat na taon na sa loob

Grabe apat na taon na palang nasa loob ng PNP Custodial Center si former Sen. Bong Revilla.

Parang kailan lang noh. Apat na taon na pala ang nakalipas.

“Today is exactly my 4th year in prison. 

“This is 4 years away from my family; missing out on the milestones of my children’s lives; 4 long years that I can no longer get back.

“May mga panahon na dumating sa akin na talagang gusto ko na sumuko. Pagod na rin po ako. Pagod na pagod na... Ganunpaman, higit akong kumukuha ng lakas ng loob sa inyo at ibayong tiwala sa Panginoon na matatapos na rin naman lahat nito.

“Dalangin ko pa rin ang katarungan. Dasal ko pa rin na ma­ngibabaw na ang katotohanan. Hangad ko na sana, sa wakas, makamit ko ang hustisya.

“Let us all continue to pray together! God is good!” mensahe ni Sen. Bong kahapon.

Inilalaban niya ang total dismissal ng kanyang mga kaso kaya natatagalan diuamano ang pag-aaral sa ibinibintang sa kanyang kaso. Bintang pa lang at sa true lang naman ay hindi pa napapatunayan.

Resbek week ng Miss Q & A umaarangkada na

Dumating na ang pangalawang pagkakataong hinihintay ng 15 beki beauty queens upang patunayang karapat-dapat sila sa korona sa pag-uumpisa ng “resbek” week ng Miss Q and A sa It’s Showtime.

Noong Lunes (June 18), ipinakilala na ang mga nagbabalik na kandidata at maging ang bagong format ng segment na lalong nagpapasabik sa tagisan at patalinuhan ng contestants.

Tatlong “resbekla” ang maghaharap sa unang round na Tumpak! Ganern! Ganern!, kung saan ang dalawang kandidatang makaka-two points ang siyang dideretso sa next round.

Pagdating naman sa Di Ba ‘Teh, magdedebate ang mga natitirang kandidata tungkol sa isang paksa at ide­depensa ang panig na kanilang nabunot. Bibigyan sila ng tig-30 seconds para sa kanilang opening statements at pagkatapaos naman ay magsasalitan ng sagot sa loob ng 60 seconds.

Una na ngang nakapasok sa semi-finals sina Khei Perlaoan at Angelika Mapanganib na na­nguna noong Lunes at Martes (Hunyo 19).

vuukle comment

NADINE LUSTRE

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with