^

PSN Showbiz

Jerald gusto munang magpayaman bago mag-gf

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jerald gusto munang   magpayaman bago mag-gf
Gerald

Ang ganda ng kuwento ng buhay ng comedian na si Jerald Napoles dahil nanggaling siya sa mahirap na pamilya, nagsikap at ngayon, leading man na ni Valeen Montenegro sa The Write Moment, ang pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa June 27.

Talent ni Rams David si Jerald at isa raw ito sa mga alaga niya na sobrang professional at napakadali na kausap.

Walang lovelife si Jerald dahil priority muna niya ang tulungan ang mahihirap na miyembro ng kanyang pamilya.

Hindi feeling pogi si Jerald dahil tanggap nito na ordinary lang ang face value niya pero malakas ang kanyang appeal na karakter na talaga ng magagaling na komedyante.

Marami ang nagtatanong kay Jerald kung kamag-anak ba niya ang controversial businesswoman na si Jenny Napoles pero pareho lang ang kanilang family name.

Actually, nakatulong kay  Jerald ang apelyido niya dahil nagkaroon agad ng recall sa mga tao ang kanyang pangalan. Nagkasunud-sunod ang mga project ni Jerald sa TV at pelikula noong kainitan ng isyu na kinasasangkutan ni Jenny Napoles.

At sosyal si Jerald dahil nakagawa na siya ng mga pelikula sa Regal Entertainment Inc. at Viva Films.

Nakarating siya sa iba’t ibang mga bansa dahil sa mga pelikula na ginawa niya at kinunan sa abroad.

Regular din na napapanood si Jerald sa Sunday PinaSaya at malaking tulong sa career niya ang pagkakaroon ng weekly exposure sa TV.

 I’m sure, good karma si Jerald dahil tumutulong nga siya sa pamilya kaya hindi siya nawawalan ng mga movie at television assignment.

Walwal at the write...salpukan

Ang Walwal ng Regal Entertainment Inc. ang kasabay ng The Write Moment na showing sa cinemas nationwide sa June 27.

Walang conflict sa tapatan sa box office ng dalawang pelikula dahil magkaiba ang genre, youth-oriented movie ang Walwal at romantic comedy movie ang The Write Moment kaya pareho na dapat tangkilikin ng moviegoers.

Introducing sa Walwal si Donny Pangilinan, ang anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa na aminado na isang stage mother.

Si Maricel ang magiging pinakamaligaya na nanay kapag pinilahan sa takilya ang unang pelikula ng anak niya.

Parang na-i-imagine ko si Maricel na paulit-ulit na panonoorin sa sinehan ang Walwal bilang suporta sa debut movie ni Donny na thankful naman sa pagmamahal na natatanggap  mula sa kanyang ina.

Miss Manila winner mag-uuwi ng p1 million

May correction please ako tungkol sa mga prem­yo na matatanggap ng mga mananalo sa grand coronation night ng Miss Manila 2018 sa June 26.

Hindi P500, 000 worth of prizes ang matatanggap ng magwawagi ng Miss Manila title dahil kalahating milyong piso in cold cash at Viva management contract na worth five hundred thousand mga premyo na ite-take home niya.

Three hundred fifty thousand pesos naman ang premyo na iuuwi ng 1st runner up, P250,000 para sa second runner up, P150,000 ang mapapanalunan ng 3rd runner up at P100,000 para sa fourth runner up.

Ang tatanghalin na Miss Manila ang official representative ng City of Manila sa lahat ng mga event at function.

vuukle comment

JERALD NAPOLES

VALEEN MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with