^

PSN Showbiz

Nadine pinaghahandaan si Maria

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadine  pinaghahandaan  si Maria
Nadine

Sobrang excited na ni Nadine Lustre para gampanan ang karakter bilang si Maria Makiling sa pelikulang Pedro Penduko na pinagbibidahan ni James Reid. Kababalik pa lamang ng aktres mula sa JaDine Revolution Concert Tour sa Amerika kaya pinaghahandaan na ngayon ang nasabing proyekto. “Nasabi na sa akin a few months back. So I’m really, really excited for that. Kasi for sure in the future they’re going to have bigger plans for Maria Maki­ling. Nakuwento sa akin ni James. I’m really, really excited for that. It’s nice to be able to work on a film na Filipino folklore,” nakangiting pahayag ni Nadine.

Bukod sa Pedro Penduko ay pinaghahandaan na rin ng dalaga ang gagawing solo film niya na Ulan. “I’m really, really excited for this one. Kasi this is more about finding yourself. ‘Yung character ko dito, she will undergo a lot. It’s about finding yourself and learning to love yourself. That’s pretty much always what I tell other people when they ask me na, ‘How do I get over a break up? Paano ako sasaya and all?’ It’s just simple, just love yourself. I’m excited to work on this project. This is what I really stand for, self-love,” pagbabahagi ni Nadine.

Sino kaya ang makakatambal ng dalaga sa bagong pelikula? “Me­ron, secret muna. You’ll find out soon,” natatawang sagot ng aktres. Hindi man abala sa telebisyon sina Nadine at James ay magkatulong naman ang magkasintahan sa paggawa ng kanya-kanyang musika. “Sa teleserye for now wala muna but we’ll be working on separate projects, separate films but definitely with music tuluy-tuloy pa rin ‘yon na magkatrabaho kami,” pagtatapos ng dalaga.

Rufa Mae natanggap agad ang pagkamatay ng ina

 

Mag-iisang buwan na mula nang pumanaw ang ina ni Rufa Mae Quinto. Sariwang-sariwa pa sa isipan ng aktres ang mga alaalang naiwan ng ina. “Mami-miss mo siyempre ‘yung kapag mahina ka, mayroon kang pinagdadaanan, wala ka naman ibang lalapitan kung hindi nanay mo,” emosyonal na pagbabahagi ni Rufa Mae.

“Kahit na wala siyang ibigay or sabihan, the fact na kasama mo lang ‘yung nanay mo. Kahit ano man sabihin niya, may kuwenta man o wala, sumasaya ka rin hindi ba? Tapos laban ka ulit? ‘Yon ‘yung mami-miss ko sa nanay ko,” dagdag pa ng aktres.

Nasaksihan mismo ni Rufa Mae ang mga huling sandali ng ina kaya mas madaling natanggap ang pagkawala nito. “Kaya hindi rin naging tragic sa amin ‘yung nangyari kasi hindi siya nahirapan,” giit ng aktres.   

vuukle comment

JAMES REID.

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with