Joshlia
Bimby natameme sa PDA nina Joshua at Julia!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2018 - 12:00am

Eleven years old lang pala si Bimby Yap pero, binata na ito kung umasta. Sinamahan  nito ang inang si Kris Aquino sa presscon ng I Love You, Hater at poging-pogi ito sa kanyamg suot na Amerikana. Bagaman at sinasabi ni Kris na in love na in love ito kay Julia Barretto, naging behave ito sa PDA nina Julia at Joshua Garcia sa presscon.

Marami ang naniniwala na magiging malaki ang tsansa niya kay Julia. But at age 11, marami pang magugustuhang babae ang bunso ni Kris na lumalaking kamukhang kamukha ng ama niya.

Kris sumobra raw ang kahambugan

Kung marami ang namba-bash kay Kris Aquino dahil sa sinasabing panggagamit niya kay QC Mayor Herbert Bautista, offended din ang marami sa pagbibigay halaga nito sa suot niyang damit at lalo na sa alahas niya na pwede nang bumili ng  isang condo unit sa Rockwell. Feeling nila naging sobrang yabang ng TV host na ipagsabi kung how much she is worth.

But, kung marami mang na-turned off sa ginawa niya, ibabawi naman siya ng napakaraming fans ni Alden Richard who like her dahil sinabi niyang mas nagustuhan niya ito kesa si Joshua Garcia.

In fairness to Kris, kahit naman ang sarili niya ang ibinida niya sa presscon, nagawa rin niyang mapag-usapan ang movie, ang JoshLia at maging ang direktor nilang si Giselle Andres.

Singers na hindi biritera may chance kay Regine

Malapit nang simulan ng singing contest ng GMA na The Clash na kay Regine Velasquez ipinamamahala ng istasyon. Malaking pressure ang ibibigay nito sa Asia’s Songbird dahil she has to come up with really good contestants na siyang magsisilbing bagong mukha ng mga singer ng bagong milenya na hindi ang pagbirit ang pangunahing katangian.

Mapapansin na ang mga sumisikat ngayong manganganta tulad nina KZ Tandingan at Moira dela Torre na hindi mga biritera.

Nakapili na si Regine ng 62 na kalahok  mula sa Metro Manila, Northern Luzon, Central Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao. Meron ding apat na mula sa abroad.

HATER BIMBY YAP I LOVE YOU KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with