^

PSN Showbiz

Kahit anong sabihin ni Sharon, KC ‘di nalason ang utak kay Gabby

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Kahit anong sabihin ni Sharon, KC �di nalason ang utak kay Gabby

Nasa tamang posisyon ang utak ni KC Concepcion at wala sa kanyang talampakan. May sariling pag-iisip ang dalaga, hindi siya basta-basta nagpapadala sa mga kuwento-kuwento, masuwerte si Gabby Concepcion dahil matinding pagrespeto pa rin ang ibinibigay sa kanya ng anak nila ni Sharon Cuneta.

Kung ibang anak lang si KC ay baka dalhin na niya sa hukay ang matinding tampo niya sa kanyang biological father. Iniwan siya nito, ni hindi sinustentuhan mula nu’ng bata pa siya, at si KC pa ang naghanap sa kanyang ama para lang magkita-magkakilala sila nang personal.

At sa dinami-dami ng rebelasyong inilantad ni Sharon tungkol kay Gabby bilang ama ni KC ay hindi nagpatinag ang dalaga, hindi bale nang sabihin ng iba na tanga siyang anak, ibinibigay niya pa rin ang kaukulang respeto kay Gabby.

Ang totoo ay habambuhay na kunsensiya ni Gabby si KC. Habang nagbibigay ng respeto sa kanyang ama ang aktres ay lalong lumalalim ang pangungurot ng kunsensiya ng aktor, alam ni Gabby kung anu-ano ang kanyang mga pagkukulang kay KC, hindi ito makatatakas sa nakaraan.

Magkakakuwentuhan kaming magkakaibigan nu’ng isang araw. May ipinost na Father’s Day message si KC para kay Gabby. Siyempre’y meron din siyang pagbati sa kinagisnan niyang ama na si Senador Kiko Pangilinan.

Sabi ng isang kaharap namin, “Nakakalungkot lang, kasi, lahat ng mga una sa buhay ni KC, si Senator Kiko ang nagturo sa kanya. Inangkin siyang tunay na anak ng stepdad niya.

“Habambuhay na dadalhin ni Gabby ang katotohanan na instead na siya bilang biological father ni KC ang gumagawa ng ganu’n, e, ibang tao pang hindi kagugo ng anak niya.

“Masakit ‘yun. Masuwerte pa rin siya dahil mabait at edukada ang anak niya. Pero nakapangungunsensiya ‘yun, sa totoo lang, ewan kung paano ‘yun nate-take ni Gabby,” opinyon ng aming kausap.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

KC CONCEPCION

KIKO PANGILINAN

SHARON CUNETA

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with