^

PSN Showbiz

James, ayaw magpa-dobol sa Pedro...

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
James, ayaw magpa-dobol sa Pedro...
James

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni James Reid para sa pelikulang Pedro Penduko na kanyang pagbibidahan. 

Ngayong nakabalik na mula sa JaDine Re­volution concert tour sa Amerika ay kinakaila­ngan na umano ng aktor na mag-train para sa mga maaaksyong eksena ng nasabing proyekto. “I want the fight scenes to be me. I don’t want to ask for doubles. It’s really intense honestly from Muay Thai, Filipino Martial Arts thing and training for the weapons of Pedro Penduko,” pagbabahagi ni James. 

Isang malaking karangalan para sa aktor na magampanan ang isang iconic character na una nang ginampanan noon nina Ramon Zamora at Janno Gibbs sa pelikula ilang dekada na ang nakalilipas. 

Matatandaang gumanap na rin bilang si Pedro Penduko si Matt E­vans sa Komiks Presents The Adventures of Pedro Penduko ng ABS-CBN“It’s a movie that has social relevance. A touch of what’s happening in the Philippines. I can’t wait for the audience to see the super hero movie,” dagdag ni James. 

Gagampanan naman ng kasintahang si Nadine Lustre ang karakter ni Maria Makiling sa bagong pelikula. Para kay James ay kailangang abangan ng mga sumusuporta sa tambalang JaDine ang kanilang bagong gagawin lalo pa’t pinangarap din umano ni Nadine na magampanan ang papel ni Maria Makiling. “She has always wanted to have her own action role. So I think it’s perfect for her,” giit ng binata. Kung kinakailangang magpaseksi ni Nadine sa pelikula ay wala naman daw itong problema kay James. “Nadine is sexy if that is what they need, so show it off. She’s confident about her own body,” pagtatapos ng aktor.

Robin at Mariel ayaw muna uling magka-baby

Noong Lunes ay nakabalik na si Mariel Rodriguez sa telebisyon. Araw-araw na muling mapapanood ang TV host sa It’s Showtime. Matatandaang pansamantalang iniwan ni Mariel ang trabaho nang mabuntis at manganak sa supling nila ni Robin Padilla noong 2016.

Suportado naman daw ni Binoe ang pagbabalik sa trabaho ng kanyang asawa. “Kapag masaya ang asawa ko, masaya ako. Kahit labag sa kalooban ko basta masaya siya, masaya ako,” makahulugang pahayag ni Robin. “Sa sitwasyon namin ngayon na matanda na ako, bata pa siya. kailangan ako ang maintindihin sa pagbabalik niya (sa hosting). Iba ang binibigay na kasiyahan na iyan sa asawa ko,” nakangiting pahayag ng aktor. 

Sa ngayon ay wala pang plano sina Binoe at Mariel na sundan na ang kanilang panganay na si Isabella upang matutukan nilang mabuti ang paglaki ng bata.

vuukle comment

JAMES REID

PEDRO PENDUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with