^

PSN Showbiz

Young actress naging masama nang makasama ang sikat na aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaawa naman ang isang young actress na kung pupugin ng pamba-bash ngayon ay parang pinakakain siya ng mga taong nananakit sa kanya. Parang ang mga ito ang bumubuhay sa kanya sa araw-araw.

Binabantayan ng mga bashers ang mga ipino-post niya sa social media, kahit maliit na bagay lang ay pinalalaki ng grupong parang wala nang bukas pa kung umupak sa kanya, nakakaawang young actress.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo ba kung ano lang ang pinagmulan ng pamba-bash sa kanya? Wala lang, nag-post lang siya ng picture na kasama niya ang sikat na actor-singer na kasama niya sa network!

“’Yun lang ‘yun! Mula nu’n, e, puro masasakit na salita na ang ipinakakain sa kanya ng grupong nagmamahal kuno sa idol nila! Mula umaga hanggang gabi, nabubuhay na siya sa bashing!

“Wala namang kasalanan ‘yung girl kundi ang mag-post lang ng picture nila nu’ng sikat na male personality, pero ganyan na ang naging kapalaran niya!” simula ng aming impormante.

May mga pagkakataong hindi na lang pinapansin ng young actress ang mga pambubulabog sa kanya ng mga taong makikitid ang isip, pero kung minsan ay bumibigay rin siya, sumasagot na siya sa mga sobrang bastos kung mag-post ng mensahe laban sa kanya.

“Nag-post lang siya ng food, iba-bash na siya agad. PG raw siya, as in, patay-gutom, wala raw siyang maipambili ng food kaya ang sikat na aktor pa ang hinihingan niya ng pagkain.

“Nag-post lang siya ng bulaklak, e, tinawag na siyang malandi, pumapatol daw siya sa kung sinu-sinong lalaki. Hindi raw niya kayang bumili ng flowers, kaya humihingi na lang siya sa sikat na singer-actor. Nakakaloka ang grupong ‘yun!

“Kahit sino na lang na nagpa-picture sa idol nila, e, binubulabog na nila! Walang habas ang mga salita nila, sagad sa buto talaga ang hapdi, wala silang pakialam kung may nasasaktan man sila.

“Ang nakakaloka, ipinagduduldulan kasi nila ang isang female personality na minamanok nila para sa male personality, kaso, wala namang nararamdaman ang idol nilang lalaki para sa gusto nilang makatuluyan ng lodi nila!

“Waley, as in waley, kaya ang mga artista na lang na nagiging close sa male personality ang pinagdidiskitahan nila! Cheap!” pagtatapos ng a­ming source.

Ubos!

vuukle comment

KC CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with