^

PSN Showbiz

Kilalang aktor nahuli ng sikat na partner sa third wheel!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang dami-daming bersiyon ng kuwento ngayon kung bakit humantong sa hiwalayan ang matagal nang relasyon ng isang pamosong female personality at ng isang kilalang aktor.

Maraming pagdududa, maraming haka-haka, may kani-kanyang istorya ang magkabilang panig. Matin­ding panghihinayang naman ang naging reaksiyon ng mga taong sumubaybay sa kanilang pagmamahalan.

Pero may isang kuwentong lumulutang ngayon. May sinasabing third wheel sa kanilang relasyon. May kuwento ang aming source tungkol du’n.

Sabi nito, “Cellphone din ang naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng away. May isang girl na palaging ka-text ng guy. Malas lang niya dahil nu’ng minsang magkasama sila ng girlfriend niya, e, nakita nu’ng babae ang pangalan ng babae.

“Nu’ng makalingat ang guy, pinakialaman ng nagdududa niyang girlfriend ang mga text messages niya, nakita ng girl, isang babae lang ang palaging ka-text ng boyfriend niya.

“Du’n na nagsimula ang lahat, madalas na silang magtalo, galit na galit ang babae sa boyfriend niya dahil sa ginagawang kalokohan ng guy,” simulang kuwento ng aming source.

Ayon pa sa aming source ay pinayuhan na ng isa niyang kamag-anak ang aktor na tantanan na ang pakikipag-text sa sinasabing third wheel sa relasyon nila ng aktres.

“Pinayuhan na siya, tigilan na niya ang pagiging close du’n sa girl dahil hindi kagandahan ang image niya. Naging controversial ang nakaraang lovelife ng girl, di ba? Hindi simpleng kuwento lang ang inilantad ng ex niya!

“Pero palagi pa rin silang magka-text, may pagkakataon pang hindi sila nagkikita ng girlfriend niya, dahil ang girl ngang ka-text niya ang pinagkakaabalahan niya.

“Ayun, nu’ng minsan ngang magkasama sila, e, nabuking siya ng girl, nabasa niya pati ang pagpapalitan ng sweet messages ng dalawa. Matulis pala ang guy! Meron siyang pinagmanahan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with