Dingdong, Hayden at Vic, kakaiba ang naging closeness sa mga anak
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2018 - 12:00am

Building memories together siguro ang ginagawa ng mga nagba-bonding na couples kasama ng mga anak nila.

Ang sarap sarap tingnan iyon family photos na naka-post sa Instagram ng mga couples na sila Dingdong, Marian at Zia; Dr. Hayden, Vicki at Scarlet; Bossing Vic, Pauleen at Talitha.

Ang ganda dahil kita mo kung ano ang closeness nila sa mga anak nila na lumalaki. Si Tonton Gutierrez, hatid /sundo ang mga anak sa eskuwela; si Jolo Revilla kasama kahit saan si Gabs; nataranta si Boyet de Leon nang malaman na may cancer ang anak sa Amerika. Very common sa atin mga mother na nag-aasikaso ng mga anak, pero we seldom know kung paano i handle ng mga father ang mga family situation.

Ang ganda nga ngayon, nakikita mo mga father openly taking care of their kids, wala na iyon pa macho na hindi puwede magdala ng nursery bag ang daddy.

At isa talaga sa natutuwa na ganun ang kanilang ginagawa.

Diego sumusumpang hindi nambato ng sasakyan

Sumusumpa si Diego Loyzaga na hindi nito sinira at binato ang sasakyan ng Grab driver na si John Ronnel Paglalunan sa insidente na nangyari noong Biyernes nang madaling-araw, June 15. Nilinaw rin ni Diego na hindi ito lasing dahil natutulog siya nang biglang mag-preno ng malakas ang driver niya dahil nag-overtake sa kanilang sasakyan si Paglalunan kaya nagising siya.

Sinabi ni Diego na bumaba siya mula sa kanyang sasakyan para kausapin si Paglalunan.

Nag-peace sign si Diego pero basta na lamang itinutok sa kanya ni Paglalunan ang cellphone camera nito at kinunan siya ng video. Iginiit ni Diego na walang damage sa sasakyan na minamaneho ng Grab driver.

Makikita naman sa video na inilabas ng kampo ng Grab driver na naka-peace sign si Diego kaya totoo ang testimonya niya.

Hinihintay ng magkabilang-panig ang paglabas ng CCTV dahil dito makikita ang the truth and nothing but, kung totoo ba na binato ni Diego ang sasakyan ni Paglalunan.

Yasmien naudlot ang pagiging nurse

Nagpunta noong Sabado sa Tacloban City ang cast ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA 7 para i-promote ang kanilang afternoon drama series.

Si Yasmien Kurdi ang lead actress ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Papunta si Yasmien at ang mga kasama nito Sa restaurant ng mall sa Tacloban  nang mamataan niya ang isang babae na kumakain at nakatitig sa kanya.

Parehong napasigaw nang malakas si Yasmien at ang girl dahil sa sobrang tuwa sa kanilang hindi expected na pagkikita.

College classmate pala ni Yasmien ang girl na isa nang certified nurse sa Tacloban.

Maligayang-maligaya ang girl na Ailaine Cobong ang name dahil hindi pa rin siya nakakalimutan ni Yasmien.

Nang magpahinga noon si Yasmien sa showbiz, nag-aral siya ng nursing at dito sila nagkakilala ni Ailaine.

Loving Pablo at cry no fear salpukan sa takilya

Ang Viva International ang magre-release sa Pilipinas ng Loving Pablo, ang drama/crime film tungkol sa buhay ng King of Cocaine na si Pablo Escobar.

Si Javier Bardem ang nag-portray sa role ni Escobar at ang kanyang misis sa tunay na buhay na si Penelope Cruz ang gumanap na Virginia Vallejo, ang kabit ng King of Cocaine na sikat na television anchorwoman sa Colombia.

Sa June 20 ang playdate ng Loving Pablo kaya bale dalawang pelikula ng Viva ang magbubukas sa mga sinehan sa Miyerkules, ang movie nina Javier at Penelope at ang Cry No Fear, ang suspense-thriller na starring sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.

BOSSING VIC DINGDONG HAYDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with