^

PSN Showbiz

RK aminadong star struck kay Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
RK aminadong star struck kay Kim
Kim at RK

Noong Sabado ay nagkatambal sa Ipaglaban Mo sina Kim Chiu at RK Bagatsing. Kinunan pa sa Korea ang maraming mga eksena para sa espesyal na episode na ito. Aminado si RK na talagang na-star struck siya sa aktres lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal sila sa isang proyekto. “Sobrang star struck ako kay Kim Chiu. Halfway na nag-uusap kami, I faked na nakatulog ako. Nasa bus kami papunta sa location, kunyari nagkukuwentuhan kaming ganyan then… (humilik at nagkunyaring tulog si RK),” nakangiting kwento ni RK.

Samantala, mapagmahal umano ang aktor bilang nobyo sa kanyang karelasyon. “Naku! Maalaga ako, sweet ako. Saka pupunuin kita ng pagmamahal. ‘Yung tipong hindi mo ako makakalimutan. Sa gabi pagtulog, mapapanaginipan mo pa rin ako,” pagbabahagi ng aktor. Aminado si RK na mayroong mga pagkakataong may pagkaseloso rin siya bilang kasintahan. “Pero siyempre may pride muna ng konti,” giit ng binata.

Si RK ang nakababatang kapatid ng aktor na si Raymond Bagatsing kaya raw palagi siyang pinapayuhan ng Kuya tungkol sa pag-ibig. May isang mahalagang bilin si Raymond kay RK pagdating sa pakikipagrelasyon. “Be a gentleman,” pagtatapos niya.

Jerome gusto munang magwalwal

Malaki ang naitulong kay Jerome Ponce ng pinagmulang pamilya para magam­panan nang maayos ang karakter bilang si Intoy sa pelikulang Walwal. Ayon sa aktor ay pinaghugutan niya ang pagkakaroon ng broken family at ang mga suliranin nila noon. “Siyempre importante ‘yung pinagdaanan sa pamilya. I mean, hindi naman nangyayari sa kasalukuyan pero nagagamit ko pa rin ‘yon kahit tapos na. Naa-apply mo talaga ang hugot at karga sa script na parang totoong nangyayari. May mga naging problema noon, hindi pagkakaintindihan, pero naayos din naman dahil nag-uusap-usap kami. Okay naman na kami, dati pa,” nakangiting kwento ni Jerome.

Mabibigat na mga eksena ang ipinagkatiwala ni direk Joey Reyes sa nasabing pelikula na ipalalabas na sa mga sinehan simula June 27. Malaki ang pasasalamat ni Jerome dahil pinagkatiwalaan siya ng premyadong direktor sa proyekto. “Siguro kasi nasa peak lang ako na heto ako, katatapos ko lang sa The Good Son at napanood ‘yon ni Direk Joey noon. Siyempre flattered ako sa tiwala niya. Marami akong natutunan, marami akong karga sa lecture ng mga director ko noon,” pagbabahagi ni Jerome. Samantala, karelasyon ng binata ang volleyball player na si Mica Reyes. Sa ngayon ay hindi pa umano napag-uusapan ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. “Wala pa namang gano’n, bata pa naman kami. Parang hindi pa marrying age, gusto ko pang magwalwal,” natatawang giit ni Jerome.

vuukle comment

KIM CHIU

RK BAGATSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with