Aktres na dating suki sa karinderya, hindi nagbabago ang kabaitan kahit yumaman sa pulitiko
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2018 - 12:00am

Sa isang malaking komunidad sa bandang South ay naaalala ng mga tagaroon ang napakasimpleng buhay ng isang pamosong aktres. Nakikita siya du’n na walang make-up, nakasimpleng pambahay na damit lang, kasama ang magaganda niyang anak.

Umaga pa lang ay nandu’n na sa mga nakahilerang tindahan ng mga pagkain ang mag-iina, du’n sila nag-aagahan, babalik na naman sila kapag tanghalian at hapunan na.

Kuwento ng aming source, “Parang hindi sila nagluluto sa bahay, kasi, breakfast pa lang, e, nandu’n na sila. Tapos, kapag lunch na, nandu’n na naman silang mag-iina.

“Tapos kapag dinner na, e, nandu’n na naman sila, kaya natural, iniisip ng mga nakakakita sa kanila na talagang hindi na sila nagluluto ng food nila sa bahay! Nu’ng una, e, pinag-uusapan pa sila, pero nu’ng magtagal na silang ganu’n, naging ordinaryo na lang sila sa community,” kuwento ng aming impormante.

Matagal na silang nami-miss ng mga dati nilang kinakainang lugar. Hindi na kasi sila nakatira du’n, may karelasyon nang pulitiko ang aktres, maayos na ang buhay nilang mag-iina.

Patuloy ng aming source, “Nu’ng minsang kumain kami du’n, e, tinanong kami ng tindera kung nakikita ba namin si ____(pangalan ng maganda at kilalang aktres)? Miss na raw kasi nila ang mag-iina.

“Ang bait-bait daw kasi ng girl, marunong makisama, saka parang wala lang sa kanya ang popularidad niya. Humihingi pa nga raw siya ng dagdag na sabaw sa mga tindera!

“At may pictures silang kasama ang girl, ang ganda-ganda pa rin niya kahit bagong gising. Minsan nga raw, e, nagkakautang pa sa kanila ang girl pero nakapagbabayad din naman agad.

“Hindi siya nahihiyang makita ng mga tagaroon ang klase ng buhay na meron siya nu’n, sumasakay nga siya sa tricycle palabas ng subdivision nila, di ba? Hanga sa kanya ang mga taong nakasama niya dati, wala siyang pagpapanggap, kaya maraming masaya ngayon para sa kanya dahil maayos na ang buhay niya.

“Naging mabilis ang mga pangyayari, hindi naging usad-pagong ang pagginhawa niya, mabait naman kasi talaga ang girl na ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Aiko ayaw tantanan ng totoong misis ng mayor na dyowa

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Aiko Melendez dahil sa napakasimpleng pagpapakilala ng isang kababayan natin sa kanyang pamangkin bilang tunay at legal na mayora ng Subic?

Ayon sa nag-post sa social media ay si Eloisa Lopez Recella ang mayora ng natu­rang bayan dahil ito ang legal na misis ni Mayor Jay Khonghun.

Wala namang sinabing anuman ang tiyahin ni mayora laban kay Aiko, ni hindi nga nito binanggit ang pangalan ng aktres, basta gusto lang nitong ipaalam sa lahat na ang tunay na misis ng mayor ng Subic ay ang kanyang pamangkin.

Marami raw pala kasing nakakaalam na si Eloisa Lopez Recella ang mayora ng kanilang lugar, tubong-Subic din ang misis ni mayor, kaya mas maganda na ang malinaw kesa sa malabo.

Matagal na naming alam ang kuwentong ito dahil kliyente ng salon ni Bambbi Fuentes ang misis ni Mayor Jay Khonghun. Siguro’y naaapektuhan na rin ito sa mga pagmamalaki ni Aiko Melendez na ang kanyang boyfriend ngayon ay ang mayor ng Subic.

Ayon kay Aiko ay matagal na raw hiwalay si Mayor Jay sa misis nito, hindi rin daw pinababayaan ng mayor ang sustento sa kanilang mga anak, ibig sabihi’y puwede na itong makipagrelasyon sa ibang babae.

Pero ayon naman sa isang malapit kay Aiko na nakausap namin ay dati na raw nakikipagrelasyon sa iba si Mayor Jay, pero ngayon lang nagbigay ng reaksiyon si Mayora Eloisa, dahil artista nga si Aiko.

Kung anuman ang totoong bersiyon ay labas na tayo, ang importante ay may isang taong lumabas at nagpatunay na ang legal na mayora ng Subic ay si Eloisa Lopez Recella, ganu’n na lang.

PAMOSONG AKTRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with