Abra
Abra waging Best Actor sa URIAN!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2018 - 12:00am

Malaking tulak sa kasikatan ng rapper na si Abra ang pagwawagi niya ng Best Actor award sa ginanap na Gawad Urian para sa pelikulang Respeto. Inihandog niya sa mga kasamahan niya sa movie ang kanyang victory. Malalaki at datihan nang winner ang mga tinalo niya bilang Best Actor, tulad nina Empoy Marquez, Allen Dizon, RS Francisco, Jojit Lorenzo, Sandino Martin, Justine Samson, Noni Buencamino, Timothy Castillo at Noel Comia, Jr.

RK tinulugan si Kim

Marahil kung ginamit lamang ni RK Bagatsing ang impluwensya ng ma­galing at sikat niyang kapatid na artista na si Raymond Ba­­gatsing ay mas mabilis siyang na­ki­lala at sumikat bilang artista.

Hindi na sana niya pinagdaanan yung maraming rejections na tinanggap niya sa mga gina­wa niyang audition ka­sama na ang Pinoy Big Brother. That time ay wala pa siyang tiwala sa kanyang sarili, kung kaya nahiya siyang magpa­tulong dito.

In the long run ay nabigo siya, at to the rescue naman agad si kuya. Naungusan pa nito ang pagi­ging kapatid niya at nagsilbing se­cond father niya sa ginawa nitong pagtulong sa kanya at naglagay sa kanya sa posisyon niya ngayon sa kasaluku­yan. Pagkatapos niyang manalo ng ac­ting award sa Wildflower, magkasama sila ni Kim Chiu na gumaganap sa isang episode ng Ipag­laban Mo bilang selebrasyon ng anibersaryo nito.

Inamin ni RK na agad siyang na-starstruck kay Kim nang magkatrabaho sila kung kaya minsan ay nagpanggap pa siyang na­tu­tulog para hindi nito ma­halata ang tensyon niya in her pre­sence. Pumunta sila ni Kim ng Korea para dun mag-taping ng ilang mahahalagang eksena. Kasama rin siya sa ser­yeng Araw Gabi nina JM de Guzman at Barbie Imperial.

Nagpa late sa shooting, Nathalie nakatikim ng BAGSIK ni Cristine

Nasampulan pala si Nathalie Hart ng galit ni Cristine Reyes dahil minsan ay na-late ito ng da­ting sa set ng movie nilang Bitch Wedding (Abay Babes). Dito nagsimula ang sinasabing hindi nila pagpapansinan at hindi pagsasama sa isang hol­ding tent. Nagpapakapropes­yonal naman ang dalawa sa pagpapanatili ng katahimikan sa kabila ng kanilang hindi pagkakasundo. Marami ang naniniwala na ang mabilis na pag-init ng ulo ni Cristine ay bunga ng sigalot sa marriage niya.

ABRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with