^

PSN Showbiz

Rayver babu na sa Kapamilya, lilipat na ng Siyete

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Rayver babu na sa Kapamilya, lilipat na ng Siyete
Rayver

Pati kami maghihintay kung saan pupunta si Rayver Cruz dahil sa nabasa namin, parang aalis na ito sa Star Magic. Nabasa namin ang post ng handler niya sa Star Magic na “Dasal ko ang patuloy mong tagumpay...mahal kita bro!!! Star Magic will definitely miss you!!!”

Sabi ng ibang nakabasa, lilipat lang ng management company si Rayver, pero sa ABS-CBN pa rin siya. May naniniwala namang lilipat sa GMA 7 si Rayver dahil may mga sitsit nang lilipat ito at tatapusin lang ang kontrata sa ABS-CBN.

Pag-ibig ang nakikitang isang rason sa pag­lipat o pagbabalik ni Rayver dahil Kapuso ang GF nitong si Janine Gutierrez. Hindi kasi natuloy ang paglipat ni Janine sa ABS-CBN dahil hindi nagkasundo sa kontrata, kaya si Rayver na lang umano ang lilipat sa GMA-7.

Sanya pinuri kahit mukhang pang swimming ang gown

Kung pagbabasehan ang feedback sa mga suot ng mga ce­le­brity sa nakaraang Mega Millennial Ball, isa si Sanya Lopez sa pinuri at nagustuhan ang gown na parang swimsuit ang loob. Kabilang ang fashion designers na sina Mark Bumgarner at Cheetah Rivera at beauty queen na si Rachel Peters sa positive ang reaction.

Sabi ni Cheets, best dress si Sanya, nag-agree si Mark na favorite designer ni Heart Evangelista. Sabi naman ni Rachel, “Woooww my fave outfit from the ball!!!”

Gawa ng designer na si Jaz Cerero ang sheer gown na suot ni Sanya that night na naging rason para masama siya sa Best Dressed List ng iba’t ibang reviews sa gabi ng Mega Millennial Ball.

Pero kung marami ang nagkagusto sa gown ni Sanya, hindi maiwasang may mga basher siya. Consi­dering daw na mahigpit ang brother niyang si Jak Roberto at hindi pa nagka-boyfriend si Sanya, kulang na lang maghubad sa kanyang suot.

Ogie may pa OA sa 30th anniversary

Kay Piolo Pascual, sa presscon ng My Daily Collagen endorsement, namin unang narinig na may gagawing indie film si Ogie Alcasid at entry sa 2018 Cinemalaya. Si Piolo rin ang nagsabing Kuya Wes ang title ng mo­vie na ipoprodyus ng kanilang Spring Films.

Pinatotohanan din ni Regine Velasquez na Kuya Wes ang title ng Cinemalaya entry ni Ogie nang ma-interview si Songbird para sa 3 Stars, 1 Heart concert nila nina Julie Anne San Jose at Chris­tian Bautista sa Dubai this Saturday na, June 16, sa Dubai World Trade Center.

Nagsimula nang mag-shooting si Ogie sa nasabing indie film sa direction ni James Mayo at sa nakita naming BTS sa shooting, kasama niya sa cast sina Ina Raymundo, Moi Bien, MJ Lastimosa at Alex Medina.

Samantala, OA ang title ng 30th anniversary concert ni Ogie na naka-schedule sa August 24, sa Smart Araneta Coliseum. Labas na simula pa kahapon ang tickets sa concert ni Ogie.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with