Aligaga sa DOT, Sec. Berna nawawalan na ng oras sa lovelife
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

Pangalan ng asawa ni Anne, klinaro ni Berna

Nawawalan na ng oras ang very popular and down to earth Department of Tourism Sec. Berna Romulo Puyat sa kanyang lovelife.

Yup, in a relationship ang status ni Sec. Berna. Boyfriend niya for more than two years now ang businessman na si Mr. Charlie Cojuangco.

Nagrereklamo na nga raw ito dahil nung undersecretary siya ng Department of Agriculture, halos wala na rin siyang time di mas lalo na ngayon na mas marami siyang kailangang gawin sa DOT.

Parehong may anak na dalawa sina Sec. Berna at Mr. Cojuangco na common knowledge na husband ng namayapang actress na si Rio Diaz.

Widow din si Ms. Berna at 2010 nang atakihin sa puso ang husband niyang si Atty. Dave Puyat na naging sanhi ng kamatayan nito. Nasa lahi raw ng pamilya ni Atty. Dave ang sakit sa puso kung saan kamakailan ay na heart attack din ang kanyang ka­patid na 31 years old lang.

Parehong may dalawang anak sina Sec. Berna and Mr. Cojuangco na same rin ng age. At ito, magkatabi ang ashes nina Atty. Dave and Ms. Rio sa Mt. Carmel.

Year 2015 sila nagkakilala ng negosyante/pulitiko at doon na nga nagsimula ang lahat. Fifty five years old na ang businessman at kuwento ni Sec. Berna, sobrang hilig at malakas kumain ng kanyang boyfriend.

Bago niya na-meet ang karelasyon, kumain muna siya ng atay ng manok. Yes, effective raw ito sa mga gustong magka lovelife. Kuwento niya kahapon, nang umakyat siya sa Bukidnon bilang DA undersecretary tinanong siya ng mga katutubo dun kung may lovelife na siya. Nang sumagot daw si Sec. B  na wala pa, sinabi sa kanya na kailangan niyang kumain ng manok bilang ritual ng 7 tribes of Bukidnon. At true enough, pagkakain niya, hindi pa natatagalan nakilala na niya si Mr. Cojuangco.

“Our kids are the same age, eh, I have a girl and a boy. My daughter is 22, same age with Claudia, of Charlie. My son is 21, graduating this July. So I’m leaving for the UK for his graduation, same age of his son na kakagraduate lang din.

Anyway, kahapon din sa intimate tsikahan namin with Sec. Berna with her sister Mons Romulo kasama sila tito Ricky Lo, Tita Lolit Solis, Tita Ethel Ramos and Dolor Guevarra, nilinis niya ang pangalan ng asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff.

Sinabi ni Erwan sa kanya na ibabalik nito ang money na ibinayad sa kanya ng Department of Tourism sa controversial na Buhay Carinderia Project. One million lang umano ang ibinigay ng Tourism Promotions Board (TPB) kay Erwan para sa kanyang participation sa nasabing project na nababalitang P80 million ang budget.

Kuwento pa ni Sec. Berna matagal na niyang kakilala ang ang mister ni Anne dahil kaibigan ito ng brother nilang si Erwan Romulo.

Nasa DA pa lang daw ito ay nakatrabaho na niya para sa isang show. “Nung una iniisip ko, naku baka diva to (si Erwan). Tapos ang sarap-sarap niya palang kasama. 

“May Mindoro (trip) na hindi ako nakasama, iniisip ko kasi baka sa akin lang mabait, tapos nalaman ko, inaalagaan niya ‘yung staff ko. Walang ere, tapos kahit sino, he’s so nice to you,” kuwento pa ni Ms. Berna na insomniac pero ngayon ay nabawasan pa ang oras ng tulog niya.

Ano nga palang update sa Buhay Carinderia?

“As of now its with COA (Commission on Audit). Sabi sa akin ng COA, basta kailangan may bidding.

“I like the project pero pwede naman… Gusto ko yung biddings sa tamang proseso. Kasi a lot of people naman can promote the (Buhay) Carinderia.”

Anyway, one month na siya today as DOT sec. Medyo adjusted na siya pero ang isang buwan niya sa position ay naubos sa pag aayos niya sa isyu  Buhay Carinderia.

BERNA ROMULO PUYAT CHARLIE COJUANGCO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with