Jodi
Jodi buto’t balat na sa sobrang exercise, hindi na maganda sa TV!
(Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

 Coleen, Lovi, Vice,  todo sa maximum exposure!

SEEN: Hindi na magandang panoorin sa television screen si Jodi Sta. Maria na ngarag ang hitsura sa mga eksena niya sa Sana Dalawa Ang Puso dahil sa sobrang kapayatan.

SCENE: Malaki na ang improvement ng acting ability ni Megan Young sa The Stepdaughters. Napag-iiwanan na ni Megan ang kanyang leading man at boyfriend na si Mikael Daez na malabnaw at mababaw ang pagganap sa kanilang teleserye.

SEEN: Mataba si KC Concepcion sa black gown na ginamit niya noong Martes sa Mega Millennial Ball sa isang events place sa Taguig. Hindi naikubli ng black gown ang “chubbiness” ni KC.

SCENE: Mga underwear model ang peg nina Coleen Garcia, Kylie Verzosa, Lovi Poe at Vice Ganda sa kanilang mga suot na see-thru gown sa Mega Millennial Ball.

SEEN: Maganda ang make up at ang mukha ni Claudine Barretto sa Mega Millennial Ball pero pang-matrona ang gown na ipinagamit sa kanya ng stylist niya.

SCENE: Lumilitaw sa Twitter ang mga scandalous gay video at gay porn sites na pina-follow ni Jove Francisco, ang former producer at newscaster ng TV5 at ANC.

SEEN: Ang pasasalamat ni Anne Curtis sa lahat ng mga nanood ng Sid & Aya (Not A Love Story), kahit masama ang panahon, dahil umabot na sa P142 million ang box office gross ng pelikula nila ni Dingdong Dantes na extended ang pagtatanghal sa mga sinehan.

SCENE: Tiniyak ni Dingdong Dantes sa presscon kahapon ng Amazing Earth ng GMA 7 na magkakaroon siya ng bagong primetime teleserye bago matapos ang 2018. Sa June 17, Father’s Day, ang pilot telecast ng Amazing Earth, ang infotainment program ng Kapuso Network.

JODI STA. MARIA MIKAEL DAEZ
Philstar
  • Latest
Latest