Dingdong
Dingdong mas focus muna sa Planeta kesa sa kandidatura!
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

PIK: Si Paulo Avelino ang isa sa nanguna sa parada para sa ipinagdiriwang na 120th na taong selebrasyon ng Araw ng Kasarinlan nung Martes ng hapon sa Luneta.

Ginanap ang parada sa Rizal Park na kahit nag-uulan, itinuloy pa rin. Proud si Paulo sa suot niyang costume na Gregorio del Pilar dahil ni-research daw talaga ito nang husto.

Sa September 5 pa pala ang showing ng Goyo, pero tama lang daw na naging bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day ang naturang pelikula.

PAK: Si Jodi Sta. Maria ang hinanap ng TV crew sa graduation ni Vice Governor Jolo Revilla na ginanap sa PICC kahapon ng umaga.

Proud pa naman si Jolo na finally nakapag-graduate na sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation ng Lyceum of the Philippines.

Natapos ni Jolo ang kursong Bachelor of Arts Major in Legal Studies. Nakasabay rin niyang mag-graduate ang ilan ang public servant na karamihan ay nagsisilbi din sa Cavite.

Pero hindi rin yata pumuwede sa schedule ni Jodi kaya hindi ito nakadalo.

Sa totoo lang, tila wala na silang panahon sa isa’t isa dahil hindi na rin maisiksik sa  schedule ni Jolo ang lovelife niya.

Regular ang taping niya (Jolo) sa Ang Probinsyano, tinatapos din niya ang ilang shooting days niya sa pelikula nilang Tres na kung saan bida si Jolo sa episode na 72 Hours. Kailangan pa niyang magtrabaho sa Cavite, dahil kailangan pa niyang tuparin ang responsibilidad niya bilang Vice Governor ng naturang lalawigan. Tapos nag-aaral pa siya, kaya halos wala na raw siyang tulog.

Balak pa ni Jolo na mag-aral ng sa Kennedy School of Government sa Harvard University sa Amerika. Short course lang daw ito sa Leadership for the 21st Century na magsisimula na sa September.

“Malaking bagay ito eh. Talagang inaarmasan namin ang sarili namin para sa mga ginagawa namin sa pagawa ng mga ordinaces and resolutions,” pahayag ni Jolo.

BOOM: Kung kinumpirma ni Coco Martin na magsasama sila ni Vic Sotto sa isang pelikula na isasali sa Metro Manila Film Festival 2018, si Dingdong Dantes naman ay hindi pa masagot kung siya nga ba ang ka-partner ni Vice Ganda sa entry nito sa MMFF.

“Wala pa talagang sinasabi sa akin eh. Pero nung narinig ko yung ganung balita, siyempre nakakatuwa at I’m very humbled na kung sino man ang gumawa ng balitang iyun na i-consider ako, kung totoo man o hindi,” tipid na sagot ni Dingdong sa presscon ng bagong programa niya sa GMA 7, ang Amazing Earth na magsisimula na sa Linggo, June 17 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Masaya siya sa magandang resulta ng Sid and Aya, at meron nga raw dalawa pang pelikulang gagawin, pero hindi niya alam kung isa na nga ba rito ang kay Vice Ganda.

Dito raw muna siya sa Amazing Earth magpo-focus dahil kahit paaano meron siyang naimbag para sa ating planeta.

“We all belong to this planet. We are all responsible what we do here. So, mahalaga yung bagay na alamin natin na we are not just the only species here.

“Hindi lang tayo ang nilalang nandito. Hindi lang tayo ang humans dito. We have animals, and we have the whole planet around us. It’s just a matter of respecting kung anong meron diyan. Siyempre, alamin natin kung ano sila di ba? And how to co-exist with them para mas maging harmonious yung pagsasama natin dito sa ating planeta,” saad ni Dingdong. Bago mag-Amazing Earth, mag-Palawan pala sila nina Marian kasama si Zia siyempre para doon daw nila i-celebrate ang Father’s Day.

DINGDONG DANTES METRO MANILA FILM FESTIVAL 2018
Philstar
  • Latest
Latest