Bianca naunahan na naman sina Mariel at Toni
Bianca
Bianca naunahan na naman sina Mariel at Toni
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2018 - 12:00am

It was last May 30 nang ibalita ng mag-asawang Bianca Gonzales at cager JC Intal na malapit nang magkakaroon ng baby brother o sister ang kanilang almost three-year-old daughter na si Lucia dahil nagdadalang-tao ngayon ang TV host-actress ng magiging second baby nito ng kanyang mister.

Sa magkakaibigang Bianca, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, si Bianca ang unang nagkaroon ng anak at siya rin ang mauunang magkaroon ng second baby. Umaasa rin ang mag-asawang Bian­ca at JC na sana’y boy na naman ang kanilang maging pangalawang baby.

Michael hindi na nawalan ng trabaho

Tama ang naging desisyon ng 58-year-old vete­ran actor at ex-husband ng actress-director na si Gina Alajar na si Michael de Mesa na bumalik ng Pilipinas galing Amerika upang ipagpatuloy ang kanyang acting career dito.

Kasamang bumalik ni Michael ang kanyang se­cond wife na si Julie Reyes-Eigenmann.

Magmula nang makabalik ng Pilipinas si Michael ay hindi ito nawawalan ng proyekto lalo na sa telebis­yon. Katunayan, dala-dalawa ang kanyang tumatakbong TV series ngayon sa Kapamilya Network, ang  action-drama TV series na FPJ’s Ang Probin­syano  na pinagbibidahan ni Coco Martin at ang Since I Found You na pinangungunahan naman ni Piolo Pascual na parehong napapanood sa primetime slot.

BIANCA GONZALES JC INTAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with