Agot
Agot
Agot alanganin pa ang pagse-senador
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2018 - 12:00am

Tama ang decision ni Agot Isidro na pag isipan munang maigi ang pagpasok sa pulitika.

Binubuyo ng partido ng LP, na pinanu­ngunahan ni Sen. Kiko Pangilinan, na kumandidato si Agot na senador sa mid term election.

Hindi biro ang gastos sa kampanya ng national election. Unless talagang may nangangakong gagastos sa kandidatura ni Agot, all the way. Meron kasing mga tumutulong sa umpisa lang pero pag hindi na lumilitaw ang pangalan sa survey ng kandidato, nagkakalasan ang mga financier.

Sinabi ni Agot nang makausap ng mga reporter sa ginanap na FAMAS Awards Night last Sunday kung saan siya ang nanalong best actress for the movie Changing Partners na “Ang sarap gumawa ng pelikula, gawa na muna tayo ng pelikula. Ang sarap umarte, especially now, di ba? I mean the landscape of filmmaking has changed.

“So, parang feeling ko, du’n muna ako sa medyo nag-e-enjoy ako. Parang hindi yata enjoy masyado ang Senado.

Though hindi rin naman niya tinuldukan. “hindi natin alam pero this is where I am right now. I don’t wanna, like, look that far.”

Kung anuman ang magi­ging decision ni Agot ay good luck to her.

Kilala sa matapang magpahayag si Agot sa mga nangyayari sa ating paligid kaya minamanok siyang lumaban sa mga kandidato ng administrasyon.

AGOT ISIDRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with