Lorna ‘di makaka-attend  sa college reunion
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2018 - 12:18pm

Nagulat ako sa rebelasyon ni Dr. Pessumal Chandru, ang kumpare ko at ama ng PBA player na si Von Pessumal na inaanak ko sa binyag pero celebrity na rin, in his own right.

Ikinuwento sa akin ni Dr. Chandru na magkaklase sila noon ni Lorna Tolentino sa St. Anthony Academy at isa siya sa mga admirer ni LT.

Naungkat ang pagiging classmates nina Dr. Chandru at LT dahil magkakaroon sila ng alumni reunion sa July 6, 7 and 8, 2018.

Tatlong araw ang reunion na magaganap lang naman sa Gold Coast Hotel & Casino sa Las Vegas, Nevada dahil US-based ang karamihan sa graduates ng St. Anthony. Ang sosyal di ba?

Ang kaso, malabo na makadalo si LT sa reunion dahil may taping siya para sa Asin­tado. Isa si LT sa mga bida ng afternoon teleserye ng ABS CBN kaya kasali siya sa halos lahat ng mga eksena.

I’m sure, na-sad si Dr.Chandru dahil hindi makadadalo si LT sa reunion nila sa Las Vegas.

Siya pa naman ang isa sa mga punong-abala at contact person ng mga type na dumalo. Ibinigay sa akin ni Dr. Chandru ang mga pangalan at contact number ng batchmates niya na in- charge din sa reunion.

Para sa mga interesado na dumalo, puwedeng kontakin si Dr. Chandru sa cellphone number 0917-8103506 o ang kanyang mga former classmate na sina Atty. Resty Arevalo, 0920-9539916 at Armando Quemel sa US number nito na (818)705-5378.

ASINTADO LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with