^

PSN Showbiz

Jolo at Lovi, ‘ExGoals’ ni Rhian!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Jolo at Lovi, �ExGoals� ni Rhian!
Rhian

Salbahe si Rhian Ramos dahil tinukso niya ang mag-ex na sina Ca­vite Vice Gov. Jolo Revilla at Lovi Poe na magkasama sa 72 Hours episode ng action movie ng Imus Productions na pinagbibidahan ni Jolo. Nag-post kasi si Jolo ng photos nila ni Lovi sa social media at sa picture na magkatabi sina Jolo at Lovi, umandar ang kapilyahan ni Rhian.

Nag-comment ito at ang ginamit ay line sa song na Muling Ibalik ang Tamis ng Pag-ibig at ginamitan ng hashtag na “#ExGoals” saka sinundan ng “haha kidding guys. Wish I was there!”

Kasama rin kasi si Rhian sa episode at sa nakita naming BTS sa shooting, isa rin siyang nasa side ng batas.

‘Katuwa lang dahil hindi na alam ng marami na nagkaroon ng relasyon ang dalawa at sa comment na “Db mag ex kau sir @jolo_revilla Gling nmn frnds pdin cla..” sumagot si Jolo ng “yes and we’re good friends.”

May nag-comment din pala na iboboto niya si Jolo ‘pag tumakbo itong senador. “Di pa ako pasok sa age qualification,” ang sagot ni Jolo. Ibig sabihin, kapag nasa right age na si Jolo, tatakbo itong senador.

Iya at Drew taob sa likes ng anak

Nakalimutan naming itanong kay Iya Villania sa presscon ng Season 4 ng San Miguel Purefoods Home Foodie kung bakit, “Pam” ang tawag sa kanya ni Primo, ang panganay nila ni Drew Arellano. Kwento ni Iya sa Instagram (IG), basta na lang siyang tinawag na “Pam” ng anak na dahil bata pa, hindi pa niya matanong kung bakit ganoon ang tawag sa kanya at saan galing ang “Pam.”

At least kay Drew, malapit ang “Papa Du” na tawag sa anak, pero ang “Pam” ay parang walang pinanggalingan.

Tanggap din nina Drew at Iya na mas sikat sa kanila si Primo at mas mahal ng tao dahil ‘pag may bagong post na photo, ang bilis dumagdag ng likes. Isa si Primo sa pinakasikat na celebrity babies.

Samantala, ngayong Lunes na, pagkatapos ng Unang Hirit ang pilot ng Season 4 ng Home Foodie at makakasama nina Drew at Iya sina chefs Llena Tan-Arcenas, Martin Narisma at John Valley, maghahanda sila ng Madalicious Meals na masarap, masustansya at affor­dable.

Siya nga pala, “hilarious” ang sagot ni Drew sa pagkakamali ni Wil Dasovich sa MYX event nang makaharap si Iya at nabanggit na he wants to be Iya’s husband. Ang ibig palang sabihin ni Will, he wants to be like Drew na nagho-host ng travel show.

Mga bida sa You’re My Destiny benta sa Pinoy fans

In-stalk namin ang Instagram (IG) ng Thai actors na sina Wisetkaew Sukrit at Esther Supreeleela, mga bida sa first Lakorn on Philippine TV na You’re My Destiny. Marami na palang Pinoy fans ang da­lawa at ipinaaalam sa kanila na airing sa Pilipinas, sa GMA 7 ang kanilang soap na kasalukuyan nang napapanood.

Dennis at Jennylyn nakadagdag sa kita ng Sid & Aya

Nanood ng Sid & Aya (Not A Love Stoy) sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at nakita ni Anne Curtis sa Instagram (IG) ni Dennis na hawak nito ang tiket sa pelikula. Nagpasalamat sa kanya si Anne at ni-like rin nito ang nasabing post ni Dennis.

Actually, hindi lang sina Dennis at Jennylyn ang dapat pasalamatan ni Anne dahil ang daming celebrities ang nanood at nagkagusto sa movie nina Anne at Dingdong Dantes.

Nagbayad sila at kasama sila sa P117M gross ng movie sa 11 days na showing ito.

Anyway, halos hindi na naghihiwalay sina Dennis at Jennylyn dahil hanggang sa pagwu-workout, magkasama pa rin sila.

vuukle comment

JOLO REVILLA

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with